Smart investment

 



Some people will say I am very religious dahil araw-araw akong nagse-share ng Word of God. But I am not. In fact I don't consider myself religious. I think religion is Satan's ace trump card. 

I believe Christianity is a relationship with God through faith in Christ. If you believe in Jesus you have eternal life. You are a Christian. Period.

Sure, may mga religious activities and rituals na na-develop ang mga Christians like Sunday Bible studies, prayer meetings and worship teams, etc. but even if you strip Christianity of these things, it will boil down to: Have you believed in Jesus.

So kung hindi ako religious, bakit lagi akong nag-aaral at nagbabahagi ng Word of God? The reason is smart investing.

I realized na anumang kayamanang makuha mo sa lupa, lahat ng ito ay mawawala at maiiwan kung ikaw ay mamatay. Wala kahit alin sa mga ito ang madadala mo sa kabilang buhay. 

Don't believe me? Ask Job. Sa isang araw, he lost everything and on another day, he lost even his health. His realization: hubad siyang dumating, hubad din siyang lilisan. Ang purpose ng buhay: purihin ang Panginoon. 

I shared the Word of God because it will last and endure forever, 1 Peter 1:24-25. When you die, your soul will separate from your body and you will leave all the material things you have. The only thing you will take with you is the Word of God stored in your soul. 

Kung may mag-alok sa iyo ng isang magandang investment, hindi mo ba kakagatin? For sure, gagawa ka ng paraan to raise the money needed upang i-invest dahil umaasa kang ito ay makababalik with tubo.

The same thing with the Word of God. If you make it a priority, tutubo ka sa buhay na ito at tutubo ka sa eternidad. Dahil ang Salitang iyong natutunan ay magbibigay sa iyo ng karunungan sa buhay na ito at magiging paraan upang maging overcomer na may rewards sa Bema. Win-win!

Sa halip na magpokus sa mga bagay na may temporal value, why not invest in the eternal? Study the Word of God. Apply it and reap its benefits. Then in the Bema, reap more benefits as you earn rewards. That is the ultimate return on investment.

Life is short. Invest now. Start by believing in Jesus for eternal life. Then follow it up with investing in His Word. You won't regret it. 

Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina. 

(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.

Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan. 

Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)



Comments

Popular posts from this blog

Isang Pag-aaral sa Efeso 2:8-9

Panalangin sa Kapatiran

Nangungulila sa isang Ama