Pray for us

 


There's not much to tell. Binabayo kami ngayon ng Super typhoon UwanPh at nakukulong sa sa loob ng bahay, nananalanging matapos na ito. We're safe, walang kuryente pero may tubig at may signal. Baha na sa lugar namin pero hindi naman mataas (hopefully hindi magaya sa ibang lugar na patuhod at ang iba ay lagpas tao ang baha. 

May mga videos akong nakikita sa Facebook na mga bubong na natuklap at flood way na puno na pero overall we are still okay. But then it is too early to tell dahil kapapasok pa lang ni UwanPh sa Bicol. It will stay for several hours. 

Please pray for us. Sana lumipas na ang delubyong ito na safe ang lahat. Pray for the aftermath. Sana bumalik agad ang kuryente. Huwag naman nawa magmahal nang husto ang mga bilihin at sana at mininal ang damages. Nakarekober nawa agad ang Bicol. 

Pray with us and for us. 

Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.


(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.

Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan. 

Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)




Comments

Popular posts from this blog

Isang Pag-aaral sa Efeso 2:8-9

Panalangin sa Kapatiran

Nangungulila sa isang Ama