Life is too precious to clown around

 


This is convicting. Maybe we have nowhere to go?

Alam na nating tinuturo ng Kasulatang maging mapili sa sirkulong ating nilalakaran. Hindi tayo dapat maki-pamatok sa mga hindi mananampalataya. Dapat tayong maging marunong sa mga tagalabas? Ang masamang kasama ay nakasisira ng mabuting gawi. 

Ngunit bakit kapag ang ating mga payasong kaibigan ay kumaway tayo ay sumasama, Kawikaan 1?

Marahil dahil wala tayong ibang pupuntahan. Ito lamang ang tanging sirkulong ating nakamulatan at natatakot tayong magsimula muli.

O marahil natatakot tayong magboses ng ating uniqueness. Ayaw nating isiping kakaiba o weirdo.

O marahil somewhere along the way, tinanggap natin ito bilang new normal. Yung mga bagay na ating kinamumuhian ay naging normal na bahagi ng ating buhay. 

Kung paanong si Lot ay nahihirapan ang loob sa kasamaan ng Sodoma ngunit nagawang maging bahagi ng kultura nito, natuto rin tayong tanggapin ang sanlibutang ito bilang "atin."

Kaya kapag tayo ay nakakarinig ng mga Salita ng Diyos, tayo ay naninibago. Radikal ito sa ating pandinig at kung minsan ay uncomfortable. Iniisip nating ito ay judgmental at bigoted.

Pero ang totoo tayo ay naging mga payaso na rin. 

Ang araw-araw nating pagsama sa mga payaso ay naging dahilan upang tayo ay maging payaso na rin. Bahagi na tayo ng sirko. 

Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.

(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.

Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan. 

Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)




Comments

Popular posts from this blog

Isang Pag-aaral sa Efeso 2:8-9

Panalangin sa Kapatiran

Nangungulila sa isang Ama