It is appointed to live once, make it count

 


This life isn't all there is. After this life is over, there's eternity waiting. And where we stay in that eternity depends on how you believe and live in this life. 

Maraming taong namumuhay na tila ito lamang ang buhay na mayroon tayo. Kaya namumuhay silang hindi iniisip kung ang kanilang mga desisyon ay may eternal value

Ngunit bilang mga Cristiano nauunawaan nating ang buhay na ito ay pansamantala lamang. Higit sa buhay na ito ay may buhay sa eternidad. 

Kung maaalala natin ito lagi, mas magiging maingat tayo sa ating pamumuhay. 

Una, siguruhing nanampalataya kay Jesus para sa buhay na walang hanggan. Ang sinumang mamatay na hindi nanampalataya kay Cristo ay diretso sa lawa ng apoy kung saan siya ay pahihirapan araw at gabi, magpakailan pa man. On the other hand, ang nanampalataya sa Kaniya ay hindi mapapahamak ngunit mayroong buhay na walang hanggan. 

Ikalawa, mag-aral at isabuhay ang Salita ng Diyos sapagkat mawawala ang lahat ng materyal na bagay ngunit ang Kaniyang Salita ay mamamalagi. Ang tanging tamang kasama ng walang hanggang buhay ay ang walang hanggang Salita. 

Ikatlo, mamuhay tayo sa paraang makapagdadala ng kaluwalhatian sa Diyos sapagkat iyan ang job description natin sa eternity. Kung wala kang balak luwalhatiin ang Diyos sa maikling buhay dito sa lupa, imagine ang eternidad ng pagluluwalhati sa Diyos.

Ikaapat, maglingkod tayo sa Kaniya sapagkat Siya ay nangakong gagantihan ang bawat gawa para sa Kaniya. Anumang gantimpalang ibigay ng Diyos ay yours to enjoy for all eternity. Maghahari kang kasama Niya.

Kung maaalala natin ang mga ito, marahil magbabago ang ating prioridad at scale of values. Mas papahalagahan natin ang mga bagay na may eternal value kaysa mga bagay na masisira ng kalawang o insekto. Minsan lang tayong daraan sa buhay na ito at ituring natin ang buhay na ito bilang paghahanda sa eternidad. Use this to grow, to overcome, to earn rewards, to serve dahil after this life, we'll enter eternity. Then our real life begins. 

If you're an overcomer here, you will be a ruler there. If you're a loser here, you will be a loser there (lost rewards and ruling opportunity). 

Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.

(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.

Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan. 

Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)




Comments

Popular posts from this blog

Isang Pag-aaral sa Efeso 2:8-9

Panalangin sa Kapatiran

Nangungulila sa isang Ama