Ilaw sa dilim
Imagine naglalakad ka sa dilim at namatayan ka ng gasera. Maaaring hindi ka matatakutin sa mga kababalaghan gaya ng multo o aswang pero ang mahulog sa butas, makasabit sa barbed wire o matisod sa matatalim na bato ay a real danger. Ang ilaw ay prerequisite sa ligtas at maayos na paglalakdad.
Metaphorically ang buhay ay isang paglalakad. At ang panahon natin ay isang masamang panahon. Mailalarawan natin ang ating pamumuhay espirituwal bilang paglalakad sa madilim na panahon.
Upang hindi tayo mapahamak sa ating espirituwal na pamumuhay, kailangan natin ng ilawan. Ang Salita ng Diyos ang ating ilaw upang makalakad tayo bilang mga ilaw ng sanlibutan at sumasalamin sa Kaniyang Ilaw ng Sanlibutan. Kung tayo ay magsisikap na taglayin ang Kaniyang kaisipan sa pamamagitan ng pag-aaral ng Kaniyang Salita, magagawa nating magdesisyon mula sa posisyun ng kapangyarihan.
Hindi tayo madadaig ng kasamaan ng sanlibutang ito. Ang Salita ang ating ilawan at ating armas.
Kaya mga kapatid siguruhin nating i-trim ang mitsa at may laman ang ating lampara. Ang Espiritu Santo ay handang kumilos sa ating mga buhay kung bibigyan natin Siya ng kasangkapan upang buuin ang ating kaluluwa. Huwag nawa tayong masumpungang naglalakad sa madilim na panahon habang ang dala ay aandap-andap na ilawan.
Hindi ito madali. Nangangailangan ito ng pagbibigay prioridad sa mga bagay na madalas ay hindi prioridad ng iba. Kaya iisipin nilang tayo ay kakaiba, isnab, walang pakisama at kung anu-ano pa. Huwag tayong magpadala sa takot. Isipin ninyong mas mapanganib maglakad sa dilim. Papagningasin natin ang ating mga ilawan.
Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama’t miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)


Comments
Post a Comment