Ide-date kita

 



Isa sa mga dahilan kung bakit naghihiwalay ang mga mag-asawa ay ang panlalamig sa relasyon. Ang init na dating naglalarawan sa kanilang pagsasama ay nanlalamig na.

Dati halos hindi mapaglayo ang mga magkasing-irog. Lahat ng pagkakataon upang magkasama ay sinasamantala. Sinusuyo, dine-date, inilalabas… laging nag-uusap.

Ngayong mag-asawa na, ang mga ito ay nahinto. Marahil hadlang ang kaabalahan sa buhay. Gustuhin man ay hindi magawa dahil abala sa trabaho, sa pagpapalaki ng anak at pag-abot ng pangarap.

Mga Cristianong mag-asawa, huwag ninyong hayaang manlamig ang inyong pagsasama. Gaano man kaabala ang buhay, give time to date your wives. Ilabas ninyo siya kahit gaano kasimple. Kahit tusok-tusok lang sa palengke. Ingatan ang inyong pagsasama.

Hindi kailangang magarbo. Ang mahalaga ay laging may interaksiyon.

Huwag ninyong hayaang maging hadlang ang trabaho. Bukas nariyan ang trabaho, naghihintay. Pero kung hindi ka kikilos, baka ang asawa mo ay wala na.

Huwag mong hayaang ang mga anak ang maging dahilan upang hindi kayo magka-date. Priority ng sinumang asawang lalaki ang kaniyang asawang babae. Mas malaking pakinabang sa mga bata ang malakas na pagsasama. The closer the marrige, the better for the children.

Ito ang magiging susi upang maharap ang mga unos ng buhay. If satisfied ang mag-asawa sa kanilang pagsasama, they’re likelier to fight for it.

So date your wife. This will be one of your best investments.

Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.

(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.

Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama’t miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan.

Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)



Comments

Popular posts from this blog

Isang Pag-aaral sa Efeso 2:8-9

Panalangin sa Kapatiran

Nangungulila sa isang Ama