I will share my umbrella with you

 





Bahagi ng anumang relasyon ang mga unos. Walang relasyong perpekto ngunit kung handa ang mag-asawang i-workout ang kanilang relasyon, they can survive any stiems.

Nakalulungkot na maraming mag-asawang naghihiwalay sa ambon pa lamang. Samakatuwid, kaunting problema pa lang ang unang naiisip ay maghiwalay. Hindi sila handang ipaglaban ang kanilang marriage.

Isa sa mga natutunan ko sa 18 years of marriage ay alisin ang paghihiwalay sa aming bokabularyo. As long as ang paghihiwalay ay opsiyon, maraming pipiliin ito when the going gets rough. But kung wala ito sa table, mapipilitan ang mag-asawang i-workout ang kanilang relasyon.

Marami-rami na rin kaming mag-asawang pinagdaanang problema ngunit magkasama kaming humaharap dito. Hindi kami sumuko. May panahong nag-abroad si misis bilang bahagi ng solusyon sa pinansiyal na problema but sa simula alam naming hindi ito permanenteng solusyon. Nang umalis si misis, kinuha ko ang papel ng isang ama at ina sa aking mga anak at anak sa aking mga biyenan. Hindi ko ginamit ito bilang oportunidad upang mambabae o magbisyo. Nauunawaan kong ang mga ito ay sisira sa aming pagsasama. Siniguro kong may iisa lamang kaming payong.

Hindi perpekto ang aming pamilya. Madalas kami ay kapos at may pagkakataong kami ay hindi nagkakasundo. But at the end of the day, the family comes first.

Kinuwento ko ito hindi upang ipagyabang ang karunungang ginamit namin sa pagpapamilya. Instead ito ay testimonyo na sa kabila ng aming imperfections, God’s Word protects those who believe and apply it. Maging inspirasyon nawa ito sa mga nagsisimula pa lang magpamilya- alisin ang paghihiwalay sa bokabularyo at magkatuwang na itindig ang pamilya sa takot sa Diyos.

Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.

(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.

Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama’t miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan.

Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)



Comments

Popular posts from this blog

Isang Pag-aaral sa Efeso 2:8-9

Panalangin sa Kapatiran

Nangungulila sa isang Ama