I need you God.
Sometimes kailangan nating matumba upang tumingala sa langit. We are so busy in our lives that we rarely look up.
Kaya kapag dumating ang mga problema sa buhay, ang una nating nilalapitan ay ang Diyos.
Madaling maalala ang Diyos kapag kailangan natin ng dibinong tulong.
Ngunit ang panganib ay kapag tayo ay nasa prosperidad. Naaabala tayo sa mga pagpapala na nakakalimutan nating ang Nagpala.
Inisip nating lahat ay kaya natin at gaya ng simbahan ng Laodicea, unknowingly, ay nasa labas na ng pintuan ang Panginoon. After all life is good, what do we need God for.
Kaya isang mabisang panalangin at paalala na we need God in prosperous times just as much as we need Him in adversity. Maybe even more. Because it is when we are prosperous that it is easy to substitute wealth or power as objects of worship.
Kapag nasa prosperity, enjoy life. God gave prosperity as well as adversity and both should be enjoyed in Him together. Both develop maturity. But be careful at baka malimutan ang Diyos.
Ang iba sa atin ay hindi binibigyan ng Diyos ng maraming pagpapala because we don’t have the capacity for it. Alam Niyang sisirain tayo ng kayamanan. So in His wisdom, He gave just enough for the day. And we should thank Him for it.
Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama’t miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)


Comments
Post a Comment