I can see in you the glory of my King

 


Isa sa nakalulungkot na katotohanan ay taglay natin ang pangalan ni Cristo pero hindi ang Kaniyang katangian. Tinatawag tayong CHRISTian pero hindi tayo CHRISTlike

I am guilty of that. And if you're honest so are you. 

Sa business, isa sa pinakamahusay na advertisement ay word of mouth advertising. Ang mga kliyente na ang nagpapakalat ng balita dahil satisfied sila sa produkto o serbisyo. 

Ganoon din sa Cristianismo. Kung maganda ang karanasan ng mga unbelievers sa atin- nakikita nila si Cristo sa atin, sila na mismo ang magpapakalat ng ating pananampalataya. 

Ang nakalulungkot ay hindi ganito ang nangyayari. Ayaw nila sa ating Cristo dahil sa ating mga Cristiano. Hindi nila makita si Cristo sa atin. 

Pagsikapin nating mamuhay na kapag nakita tayo ng mga hindi mananampalataya, ang nakikita nila ay si Cristo. Sa ganitong paraan, tayo ay may libreng testimonyo sa mga unbelievers. 

Alam ko hindi ito madali but we have a lifetime to live. Hindi man ngayon, in days to come.

Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.

(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.

Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan. 

Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)




Comments

Popular posts from this blog

Isang Pag-aaral sa Efeso 2:8-9

Panalangin sa Kapatiran

Nangungulila sa isang Ama