Hindi mo mayayakap ang pera
Iba talaga kapag pera na ang nagsasalita. Nagagawa nitong baguhin kahit ang pinaka-faithful na asawa.
Nakalulungkot na kahit sa mga Cristiano, mas inuuna ang pera kaysa sa Diyos at sa kapwa tao.
Sa halip na iprioridad ang pagkakaroon ng maintimasyang relasyong sa Diyos, pera ang inuuna. Kaya nasasakripisyo ang pag-aaral ng Salita ng Diyos kapalit ng paglilingkod sa Diyos.
Ganuon din mas inuuna ng ilang Cristiano ang paghahanap ng pera kaysa pagkakaroon ng maintimasyang relasyon sa kapwa Cristiano. Makikita mo ito kung paano nagmamadaling umuwi ang mga Cristiano kapag Linggo. Sa halip na mag-stay upang maki-fellowship sa kapatid, nag-uunahang umuwi dahil magbubukas ng tindahan, magnenegosyo o kung ano pang pagkakakitaan.
Maraming beses bago pa ako makarating sa likod upang kamayan ang mga kapatid, wala na akong inaabot dahil nagmamadaling umuwi.
Sayang ang benta. Sayang ang delivery. Sayang ang raket. Sayang ang sideline. Sayang ang project, baka masulot ng iba.
Nakapagtataka bang hindi lumalalim ang pag-ibig Cristiano kung si Ninoy Aquino ang laging nasa isip?
Mahalaga ang pera pero mas mahalaga ang tao. At ang Diyos ay infinitely na mas mahalaga sa dalawa.
Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)


Comments
Post a Comment