Have a good circle
Tawagin na akong isnab pero pinipili ko ang mga tao sa aking sirkulo. Yes, mahal ko ang aking mga kapatid sa Panginoon, ang aking mga katrabaho, ang aking mga kapitbahay at lahat ng taong aking nakakasalamuha with an impersonal love, that is, I want what is best for them and won’t do them harm but when it comes to developing closest friendships, I am choosy.
Maingat kong pinipili ang aking sirkulo dahil ang pakikisama sa maling tao ay nagdadala o sumisira ng magandang pamumuhay.
Wala akong nakikitang bentahe sa pakikipagkaibigan halimbawa sa mga tambay at mga sanggano. It is likely na dadalhin ka lang nila sa kapahamakan. It does not mean I won’t share the gospel with them or pagsisilbihan sila if they ask for a service, but it means I won’t join them in their way, walk or conversation, Awit 1:1-3.
Wala rin akong nakikitang magandang dahilan upang mag-pursue ng malalim na relasyon sa mga hindi mananampalataya sa Panginoon. May mga friends akong hindi mananampalataya but I reserved my closest relationships with people who shared my faith. The reason is simple: because we shared the same interests, we can have deeper fellowship. Mahirap mag-pursue ng malalim na relasyon sa taong laban sa iyong pinakamalalim na pananampalataya at pagpapahalaga.
Ang isang magandang sirkulo ay susuporta sa iyo sa iyong mga layon at pagpapagal. Aalalayan ka nila sa iyong mga pangarap at mga hakbangin upang maabot ito.
Tutulungan ka nilang lumago sa pananampalataya hanggang maabot ang maturidad. Tutulungan ka nila sa iyong personal na ministri.
Dadamayan ka nila sa iyong kalungkutan at tutulungan sa iyong problema. Maging mapili sa mga taong papasok sa iyong buhay.
Let us choose our circles. They should push you to become better at hindi lasong kumikitil ng buhay at kasiyahan.
Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)


Comments
Post a Comment