God's grace carry me this far
Sa mga nakakaalala nagsimula ang aming 2025 na hindi maganda. Nawala ang aming kalamansian, nagbitaw ako sa pagtuturo sa church (because reasons), may family member na namatay, another family member na naospital at another family member na may mental health problem. Kaliwa-kanan ang problemang aming hinaharap.
Fast forward to November, we're still here. Gaano man kabigat ang aming hinarap, God carried me here. Nakabalik ako sa pagtuturo sa church (for reasons) and we're still hoping na ibabalik ng Panginoon ang kalamansian. May mga bagong problems and challenges dahil may college na ako but God is faithful.
Gaano man kabigat ang problems God will make a way. Yung mga bagay na akala ko hindi namin kakayanin, we're more than conquerors through Christ.
If God was able to carry us to this 11th month, I am confident He'll carry us through the end of the year. More than that I am confident He'll carry us through the next years.
I know God will help us. His grace provides everything we need.
So we trust in Him. He promised that those who will never be put to shame. I expect Him to fulfill His Word.
Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)


Comments
Post a Comment