Don’t let negativity rob you of joy and peace

 



Ito ay isang makapangyarihang halimbawa. Maraming Cristianong hinahayaang nakawin ng mga negatibong kaisipan at pagpapahalaga ang kapayapaan niya kay Cristo.

Ilang Cristiano ang tahimik na namumuhay ng espirituwal na buhay ang biglang nawala sa pakikisama sa Diyos dahil sa isang taklesang tao? Hinayaan niyang sirain ng ilang pananalita ng mangmang ang kaniyang kapayapaan.

O ilan ang nasira ang kapayapaan dahil sa napakinggan sa balita, mga bagay na labas sa kaniyang kontrol. Hindi ba at mas maiging ipagkatiwala sa Diyos ang mga bagay na ito?

Hayaan mo ang mga masama sa kanilang kasamaan. Huwag mo hayaang hawaan ka ng kanilang pananalita, kaisipan at pagpapahalaga. Mula sa kanilang puso, natatago ang kasamaan. Wala kang maaasahang kabanalan sa kanila.

Ngunit kung papatulan natin ang kanilang kasamaan, hindi sila nalilinis ng ating kabanalang galing kay Cristo. Sa halip tayo ang narurumihan ng kanilang kaisipang panlaman. Sa halip na mamuhay tayong nababalutian ng katuwiran, tayo ay bumababa sa estado ng asong lumalamon ng kapwa aso.

Mula sa mataas na kalagayan bilang mga anak ng Diyos, namumuhay tayo bilang mangmang na hayop. Magtataka pa na tayo kung bakit walang makita ang mga unbelievers na bentahe sa pagiging Cristiano? After all, mas mataas ang moralidad ng kanilang relihiyon kaysa sa makahayop na pamumuhay ng Cristianong lumalakad sa laman.

Let these negativities go. Short of things that will endanger your life and family, which requires strong defensive actions, karamihan sa sinasabi ng mga tao ay hindi mo ikamamatay. Ikasisira ng iyong isip at kapayapaan if you dwell on them, so don’t . Protect your peace with the promises of God and rest in them. It takes faith but the rest is guaranteed.

Sinabihan tayong tubusin ang panahon at kada segundong nauubos sa negatibidad ay sayang na segundong hindi mababalik. So focus on the things above, not below. Maraming distractions sa buhay na ito. Put your thinking on God and enjoy His peace, Is 26:3-4.

Life is too short to dwell on negativities. Redeem the time for His glory.

Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.

(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.

Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama’t miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan.

Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)



Comments

Popular posts from this blog

Isang Pag-aaral sa Efeso 2:8-9

Panalangin sa Kapatiran

Nangungulila sa isang Ama