Choose your circle
Bad company corrupts good habits. Alam natin iyon and yet we maintain bad company.
Nang tayo ay maligtas, nilagay tayo ng Panginoon sa isang Katawan upang mag-encourage sa bawat isa sa daan ng pananampalataya. Habang tayo ay humaharap sa pagsubok ng pamumuhay sa gitna ng kaaway, tayo ay dapat magpalakasan ng loob ng bawat isa.
Kung ang ating mga kapatid ay nagdadala ng depresyon at panghihina ng loob, marahil nasa mali kang sirkulo. Ikaw ay nasa kulungan.
Bilang mga anak ng biyaya, biyaya ang dapat pumuno sa ating mga puso. Ang kapaitan ay nagdadala ng pagkabilanggo at corruption.
Maaaring ang bilangguan ay sirkulo ng imoral na kasalanan. O ito ay sirkulo ng legalismo. Ang dalawa ay parehong nang-aalipin.
Look for like-minded grace believers. Kalayaan ang dala ng biyaya at manatili ka sa kalayaang ito. Ang mga grace oriented believers ay tutulong saiyong manatiling grounded sa biyaya. Ang mananampalatayang matibay sa biyaya ay hindi mababalot ng kapaitan.
Huwag magpabilanggo.
Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)


Comments
Post a Comment