Bye
Our goal ay ang mapalapit sa Diyos. I mean we are saved forever. Pero may rewards sa mga lumagong may intimasya sa Panginoon.
Sino ang ayaw sa rewards?
Ngunit maraming humahadlang sa ating pakikipaglapit sa Diyos. Nariyan ang mga distractions ng sanlibutan with its enticement to sin. Nariyan ang natural na kaabalahan ng buhay. If you're a family man naintindihan mo iyan. Then there are people that are actively separating you from God. There are also others unwittingly naglalayo sa iyo sa Diyos because of many issues.
No matter what, kailangan nating iprioridad ang ating relasyon sa Kaniya. If it means removing these distractions, do so. Sabi nga sa Mateo 19, ang mga ito ay papalitan sa kaharian.
Sa Heb 12, kinumpara ang ating pamumuhay espirituwal sa isang karera at dapat nating hubarin ang anumang humahadlang sa matagumpay na pagtakbo. That includes besetting sin. That includes the Demas of this world.
Isnab na kung isnab, 1 Pedro 4:4, pero may mga taong kailangang layuan upang makalapit nang husto sa Diyos. If we want to grow intimate with God, it must be a priority. You will lose friends in the process but you shouldn't be afraid to be alone. The cowards always move in packs.
Let go. Find your meaning in Him.
Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)


Comments
Post a Comment