Ayaw nating tinatama

 


This is humourous. Ilang beses ko na itong nadaanan sa FB but every time tawang tawa ako.

What makes this funny is it is a commentary sa bawat isa sa atin. 

Let's face it. Ayaw nating tinatama.

Numero uno tayo sa pagbabahagi ng mali (o sa kasong ito ay maling sipi) pero kapag tinama, tayo ay galit. 

Since my blog is a Christian blog, focus tayo sa spiritual na isyu. 

Minsan kapag tayo ay nagtuturo, at ang ating mali ay na-point out, sa halip na magkaroon ng humility upang tanggapin ang correction, tayo ay nagmamalaki. Default position ay: "Ako ang pastor, ako ang tama; kung gusto mo palit tayo." Hindi pumasok sa isipan nating magpasalamat dahil may nag-bother na itama tayo. 

Gaya ng inyong nalalaman, it takes courage to correct someone, lalo at sa isang Pinoy, mataas ang pagpapahalaga natin sa peace. Ayaw natin sa confrontation. 

Nauuna ang pagmamataas kaysa sa kapakumbabaan. Ayaw nating itama. Gusto nating masunod dahil tayo ang may posisyun. We're being emotional. We're being irrational. 

At this point, maaari pang maitama ang pangyayari. But many progress to the next phase. We play the victim card. 

Ayaw na nga nating itama, tayo pa ang magpapabiktima. Kesyo tayo na ang nag-e-effort, tayo pa ang hahanapan ng mali. Hiwalay na isyu ang effort sa ministry at ang pagtatama ng mali but because we're being irrational, pinag-iisang bagay sila. You see, to successfully defend yourself from being corrected, kailangan mong maghanap ng mali ng iba at doon sila atakehin. In this case, inaakusahan mo ang iba na binabalewala ang iyong efforts. 

Kalimutan mong hindi naman yung efforts mo ang punto, kundi ang iyong mali. Which is a very small things kung tutuusin but pinapalaki ng pride. 

Then, we play the holiness game. Tayo ang banal, sila ay hindi so quote a Bible verse. Ang pagtatama ng mali ay naging pagmamataas at ang refusal to accept correction ay naging pagpapakababa. This is projection. Yung ating mali ay pinapasa sa iba pero may halong "kabanalan." Wala tayong pinagkaiba sa mga paganong nagdarasal sa bato pero tinawag niyang diyos. Yung mali, tinawag ng tama. 

Hindi ba mas madali kung tanggaping mali and grow from there? Hindi natin ikamamatay ang tumanggap ng kamalian. 

Sa work masaya ako kapag may tumatama ng aking mali. Ibig sabihin kapag pinasa ko ito sa opisina, wala ng mali. Madalas hihingiin ko pa ang tulong ng pumuna dahil kung napansin niya ang pagkakamali sa simula pa lang, that means may alam siyang hindi ko alam. It is free education. And madalas free labor kung siya na rin ang gagawa. 

Ganuon din dapat tayo sa ating spiritual life. Samantalahin natin ang free education at free labor.

Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina




(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.

Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan. 

Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)




Comments

Popular posts from this blog

Isang Pag-aaral sa Efeso 2:8-9

Panalangin sa Kapatiran

Nangungulila sa isang Ama