A stone tablet

 



Ang Sampung Utos na nasusulat sa bato ay nagpapakita ng moral na kalooban ng Diyos para sa mga Israelita. Ito ay bahagi ng kalooban ng Diyos para sa kanilang pamumuhay bilang mga mananamba ng buhay na Diyos. Hindi ito paraan upang sila ay maligtas. Ito ang rebelasyon kung paano sila mabuhay bilang bahagi ng bayan ng Diyos, ligtas man o hindi.

Ito rin ay nagbibigay ng parametro ng kalayaan. Upang mamuhay silang malaya bawal ang pagpatay. Upang ma-enjoy ang kanilang pinagpaguran, bawal ang magnakaw at upang magkaroon ng estabilidad ang pamilya, bawal ang pangangalunya at dapat igalang ang mga magulang. Ang pagsunod dito ay nagbibigay ng kalayaang gawin ang hindi nito pinagbabawal.

Siyam sa Sampung Utos ay naulit sa Bagong Tipan. Ang tanging hindi naulit ay ang pagsamba sa Sabbath.

Kung lalakad ang Cristiano sa Espiritu, ang mga ito ay natupad sa kaniya. Walang Cristianong lumalakad sa Espiritu ang papatay, magnanakaw o mangangalunya. Ngunit dahil hindi tayo lumalakad sa Espiritu, lumalakad tayo sa laman at ang kasalanan ay dinadaya ang laman upang labagin ang mga utos ng Diyos.

Hindi nagdadala ng kaligtasan ang mga utos pero ang mga ito ay ekspresyon ng moral na kalooban ng Diyos at nagbibigay ng parametro ng kalayaan upang ating ma-enjoy ang buhay bilang bahagi ng komunidad ng pananampalataya. Hindi ito espirituwal na buhay, ito ay moral na buhay na inaasahan sa mananampalataya man o hindi. Ang espirituwal na buhay ay mas nakakataas na pamumuhay sa paraang makaluluwalhati sa Diyos, isang bagay na imposible sa hindi mananampalataya.

Ang patunay na hindi tayo lumalakad sa mga utos na ito ay ang katakot-takot na mga batas sa ating bansa. Hindi sapat ang sabihing huwag magnakaw, kailangan pa ng batas para sa digital na pagnanakaw, pagnanakaw sa buwis at marami pang uri ng pagnanakaw. Ang puso ng tao ay masipag sa paghanap ng paraan upang labagin ang batas at ang batas ay walang magawa kundi higpitan nang higpitan ang mga batas.

Hindi pa rito kasama ang mga batas na gawa lamang ng tao ayon sa kaniyang pita. Maging ang mga bagay na pinagbabawal ng Diyos ay sinisikap na proteksiyonan ng laman, gaya ng SOGIE at pag-incentivize sa pornikasyon. Halos bawat aspeto ng ating buhay ay mayroon ng batas. Ang kautusang nag-iingat ng kalayaan ay ang sumisikil nito ngayon sa sobrang dami ng karagdagang batas.

Kung matututo lamang ang taong lumakad sa kalooban ng Diyos, mas magiging malaya tayo sa panghihimasok ng gobyerno. Ang batas ay ang paraan ng gobyerno upang panghimasukan ang ating buhay. Ipinagpalit natin ang kalayaang binigay ng Diyos para sa pang-aalipin ng gobyerno.

Bilang mga Cristiano, ang ating prioridad ay ang lumakad sa Espiritu. Kapag ginawa natin ito, natupad ang kautusan sa atin. Namumuhay tayo sa tunay na kalayaan at hindi na kailangang mapasailalim ng pang-aalipin ng batas ng tao.

Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.

(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.

Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama’t miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan.

Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)





Comments

Popular posts from this blog

Isang Pag-aaral sa Efeso 2:8-9

Panalangin sa Kapatiran

Nangungulila sa isang Ama