Zeal with no knowledge
Marami ang nagsasabing iniibig nila ang Diyos. Ngunit kung tanungin ninyo sila (with chapter and verse) kung sino at ano ang Diyos, marami ang tila usang nailawan aa mukha. Hindi nila masasaysay ang katangian at gawa ng Diyos na diumano'y kanilang iniibig.
These are the same people na kayang pangalanan at ilista ang mga kanta, dance moves at hobbies ng Bini (no hate to Bini).
Paano mo maiibig ang isang Personang hindi mo nakikilala?
Ang resulta ay shallow pop Christianity na puno ng passion but lacking Biblical accuracy.
"Basta mahal ko si Jesus."
"Ang mahalaga ay naglilingkod."
"Huwag nating pagtalunan ang doktrina."
"Ang mahalaga ay wala kang inaapakan."
Ilang ulit na ba natin itong narinig?
May tumigil ba at nagtanong, "Sinong Jesus ito?"
Ito ba ang Jesus ng Biblia o Jesus ng ating imahinasyon?
Kaya nating umubos ng oras sa ating mga hobbies. Kaya nating umubos ng oras upang magseminar, mag-overtime o maghanap ng second job. Pero wala tayong oras upang buklatin ang Kaniyang Salita - ang Biblia- at kilalanin Siya.
Hindi ba ito ay nagpapakita ng mababang opinyon sa Panginoong Jesus?
Kung magpapakilala ka ng guest speaker, nag-iinterbyu ka, nagsisisyasat, upang maipakilala siya sa audience. Kung mag-a-apply ka ng trabaho, kinikilala mo ang iyong a-apply-an.
Bakit hindi natin maibigay ang kaparehong kasigasigan sa Kaniya?
Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)
Comments
Post a Comment