The Martha Syndrome: busy but going nowhere
Nakakita na kayo ng hamster on a wheel? Wala siyang tigil sa katatakbo but he's going nowhere. Napapagod ngunit walang patutunguhan.
Ganiyan ang kwento ng karamihan. Ang buhay ay serye ng isang pangyayari pagkatapos ng isang pangyayari ngunit walang natatanaw na konklusyon.
Ang malungkot kahit ang mga Cristiano ay naa-adopt ang gawing ito. Cristiano tayo ngunit nag buhay ay isang serye ng pangyayari matapos ang isang pangyayari. Walang kwento ang ating mga buhay. Walang nababasang testimonyo ang mga tao sa ating paligid.
Ang ating mga buhay ay walang laman at bakante. Sa termino ni Solomon, walang kabuluhan.
Minsan pinagtatakpan natin ang kawalang kabuluhan ng kaabalahan sa relihiyon. We do not realize that this is just another hamster on a wheel scenario. Binautismuhan lang ng pangalan- ngayon tayo ay "naglilingkod."
Sa halip na gayahin si Mariang tahimik na nakaupo sa paanan ni Jesus, nakikinig at lumalago, tayo ay naging mga espirituwal na Martha. Laging aligaga, abala, isang hamster na tumatakbo sa religious wheel. Walang patutunguhan.
Ang linggo ay isa lamang serye ng Bible studies, prayer meeting, devotionals at visitations nang hindi nauupo sa paanan ni Jesus at nagtatanong, "What am I doing?"
Ako ba ay isang sangang nananahan sa ubas o ako ay isang relihiyosong Fariseong ginagawang substitute ang religion sa authentic na pamumuhay sa Espiritu. Ang espirituwal na buhay ba ay naging isang imbentaryong dapat tsekan ang mga kahon upang masabing, "Narating ko na."
Kung ang ating buhay ay mas hawig sa Fariseo kaysa sa publikanong kumbiktado ng kaniyang kaliitan na ni hindi Siya makatingin sa kalangitan, it is time to cease ang know He is God, watch His salvation and take stock.
Nagtataka tayo bakit laging pagod. It is because you're operating on the flesh. Hindi mo natutunan ang sikreto ng faith-rest.
Paano natin mapuputol ang Martha Syndrome na ito?
Cease whatever you're doing and return to the foot of the Cross. Kapag naalala natin kung sino tayo sa Kaniyang harapan, we'll remember that we're not supposed to be ao busy doing that we judged those who don't work as hard as we do. Instead, we'll stop and say, "Lord let me grow spiritually." The works will follow and it will not ve burdensome for He Himself promised His yoke is easy and not burdensome.
Are you tired? That is a sign you're working on the flesh. Those who walk with God will be renewed and fly as eagles and walk and not faint.
Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)
Comments
Post a Comment