The grass is not always greener on the other side
Maraming nag-aakalang all they need to be happy is a new place or a new circumstance. Kaya kapag hindi sila happy, lilipat ng tirahan at magsisimula muli ng buhay. Madalas ang mga bata o mga kamag-anak ang tahimik na biktima ng thoughtlessness na ito.
Huli na bago ma-realize na ang tunay na kasiyahan ay hindi panlabas na sirkumstansiya kundi panloob na attitude. Saan ka man naroroon maaari kang maging masaya- kung ito ay hahanapin mo sa iisang Persona - si Cristo.
Hindi ka makasusumpong ng tunay na kasiyahan labas kay Cristo.
Kung walang Cristo sa iyong buhay, kahit saan ka pumunta, bubuntot saiyo ang kalungkutan sapagkat ang Cristiano ay may butas na tanging si Cristo ang pupuno.
Hindi solusyon ang bagong tirahan, bagong trabaho, bagong eskwelahan o bagong "buhay" sa paghahanap ng kasiyahan KUNG dala-dala mo pa rin ang lumang pag-iisip, lumang ugali at lumang attitude of independence from Christ. Lilikha ka lang ng bagong kalungkutan sa bagong environment.
Sa halip, tigilan ang paghahanap ng meaning ng buhay under the sun. Sinubukan na iyan ni Solomon at nasumpungan niyang lahat ay walang kabuluhan hiwalay kay Cristo. Sa halip pakinggan natin si Pablo: hanapin natin ang mga bagay na nasa itaas, samakatuwid ituon ang isipan kay Cristo. Ito ang magbibigay ng tunay na kasiyahan saan ka man naroroon at anuman ang iyong sirkumstansiyang kinalalagyan.
Hanggang kailan ka maghahanap ng kasiyahan sa lahat ng maling dako?
Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)


Comments
Post a Comment