Thank you Lord for Your Grace

 


Ang tulang ito ay nakakatakot. Iniisip ko pa lang na tratuhin tayo ng Diyos sa ganitong paraan ay sapat upang mag-induce ng depresyon.

I am very thankful that God is gracious rather than transactional sa Kaniyang pakikitungo sa atin. Sa halip na ibase sa kung ano ang kaya nating gawin o ibigay sa Kaniya, binasae Niya ito sa eternal at hindi nagbabagong kabaitan. 

Hindi Niya hinintay na tayo ay maging mabait bago Niya pinakilos ang Kaniyang dakilang plano ng kaligtasan kung saan binigay Niya ang Kaniyang bugtong na Anak sa krus. 

Ginawa Niyang napakasimple ang paraan upang ma-access ang biyayang ito- pananampalataya lamang kay Cristo lamang. Kahit munting paslit ay magagawa ito. 

At kahit sa mga tumakwil sa Kaniyang probisyon ng buhay kay Cristo ang Kaniyang biyaya ay nagpapatuloy. Gaya nga ng sabi ng Biblia, nagpapadala Siya ng ulan sa masama at sa mabuti. Patuloy na nagtatamasa ng kabutihan kahit ang mga tumanggi sa biyaya ng Diyos. 

Isipin ninyo paano if God decided to give His benefits using other ways? Marahil mas kaunti, kung mayroon mang makaabot sa pamantayan Niya, and the rest of us will starve if not fight outright for those blessings. 

Therefore the grace of God should make us thankful. His nature is the very foundation for His benefits.

Thank you so much Lord for Your kindness.

Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina. 


(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.

Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan. 

Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)



Comments

Popular posts from this blog

Isang Pag-aaral sa Efeso 2:8-9

Panalangin sa Kapatiran

Nangungulila sa isang Ama