Matthew 7:24-25 [24]"Therefore everyone who hears these words of Mine and acts on them, may be compared to a wise man who built his house on the rock. [25]And the rain fell, and the floods came, and the winds blew and slammed against that house; and yet it did not fall, for it had been founded on the rock.
Bagyuhin ang bansang Pilipinas. Every year, may bumibisitang 20-22 bagyo at ang mga ito ay may dalang malakas na hangin, malakas na ulan at madalas ay pagbabaha. Maraming sambahayang may mga bahay na gaw sa light materials ang lumilikas upang maiwasan ang pinsalang dulot nito.
Ironically, mahalaga ang mga bagyo upang mapanatiling may laman ang mga dam na mahalaga sa irigasyon, water distribution at energy generation.
Walang choice ang mga ordinaryong Juan kundi mag-adapt at mag-survive.
Bukod sa mga pisikal na bagyong dumating sa buhay, marami pang bagyo ng buhay ang may dalang mas malaking pinsala sa ating mga buhay at pananampalataya. Karamdaman, sakuna, kakulangang materyal, pinansiyal na krisis at domestikong problema, bawat isa sa mga ito ay may kakayahang gibain ang buhay ng Cristianong hindi nakatayo sa Salita ng Diyos.
Sa Mateo 7 makikita nating ang sinumang nakikinig at tumutupad ng Salita ng Diyos ay matibay na nakatayo sa bato at hindi matatangay ng unos ng buhay.
Magiging maingay ang unos ngunit sa loob ng Cristianong ang puso ay puno ng Salita ng Diyos ay kapayapaan at katahimikan.
Ang pagkakaiba ay hindi ang sirkumstansiya kundi ang attitude sa mga ito. Alam ng doktrinadong Cristiano na hindi pababayaan ng Diyos ang Kaniyang mga anak. Anuman ang kaniyang kinahaharap, ito ay may hangganan.
Kung itatayo natin ang ating buhay sa Salita ng Diyos, hindi tayo madadala ng problema ng buhay.
Ngunit kung ang ating isipan ay nakatuon sa sanlibutan, tayo ay babagsak at lulunurin ng problema ng buhay.
Ang choice ay nasa atin. Pipiliin ba nating maging tahimik at kumpiyansa kahit sa unos? O pipiliin nating maging wreck at biktima ng buhay?
Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)
Comments
Post a Comment