Self-deceived

 


Grace means that we receive the benefits even though we don't deserve them. We receive them because of who Jesus is and what He has done. 

Dahil diyan wala tayo sa posisyun upang ipagmalaki ang ating espirituwal na estado at pagpapala. Kung tayo ay ibinilang na anak ng Diyos o tumanggap ng kapatawaran o naging tagpagmana ng napakaraming mga pagpapala, iyon ay hindi dahil sa sarili nating merito. 

Ngunit madalas tayo ay nakalilimot kung paano tayo pinakitaan ng Diyos ng biyaya. Pinatawad tayo ng Diyos kahit hindi tayo karapat-dapat ngunit nais nating tuusin ang ating kapwa Cristiano sa lahat nilang pagkukulang bago tayo magpatawad. 

Binigyan tayo ng Diyos ng lahat ng espirituwal na pagpapala nang dahil sa merito ni Cristo. Ngunit hindi natin magawa ang kapareho sa ating kapwa Cristiano. 

Sa halip mabilis tayong humusga sa kanilang kakulangan at nalilimot nating in every sense of the word tayo ay nasa kaparehong bangka. 

Kung maaalala nating pinakitaan lamang tayo ng biyaya ng Diyos ng panahong tayo ay makasalanan pa, marahil magpapakita rin tayo ng biyaya sa iba. 

But memory is a funny thing. Naaalala lamang natin ang ating mga paglilingkod sa Diyos ngayon ngunit hindi nang tayo ay nagsisimula pa lamang at sinusukat natin ang iba sa ngayon at hindi sa simula.

Ngunit kung mayroon tayong aktibong awareness ng ating kalagayan sa harapan ng Diyos, hindi tayo aaktong tila ba anumang mayroon tayo ay dahil ito ay ating pinagtatrabahuhan. Sa halip, dahil naaalala natin ang kabaitan ng Diyos, sasabihin natin sa kanila, "Ganiyan din ako nuon ngunit may nagpakita sa aking kabaitan. Hayaan mong i-share ko sa iyo ang kabaitang iyon."

Maybe the world will be a better place rather than a continuing game of playing the holier-than-thou game. 

Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.

(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.

Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan. 

Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)




Comments

Popular posts from this blog

Isang Pag-aaral sa Efeso 2:8-9

Panalangin sa Kapatiran

Nangungulila sa isang Ama