Sa dami ng masasamang balita, kaliwa at kanan, na mababasa sa diyaryo at mapapanuod sa telebisyon, hindi nakapagtatakang marami ang nasa depression. Thankfully sa gitna ng masasamang balita ay ang isang napakabuting balita- ang kaligtasan ay libreng kaloob sa lahat ng nanampalataya kay Cristo para rito.
Namatay si Jesus sa krus sa isang kadahilanan at iyon ay ang bayaran ang hadlang ng kasalanan. Walang tao ang makapagsasabing, "Makasalanan ako at hindi ako makalalapit sa Diyos." Oo makasalanan ka, makasalanan ako, lahat tayo ay makasalanan, Roma 3:23. Ngunit sa krus binayaran ni Jesus ang kasalanang iyan, 1 Juan 2:2; 1 Cor 15:3; Roma 5:8.
So ang tanging isyu sa buhay na walang hanggan ay hindi kasalanan. Iyan ay binayaran na. Ang isyu ay kung nanampalataya ka sa Nagbayad niyan.
Ang tangi at nag-iisang kundisyon ng buhay na walang hanggan ay ang manampalataya kay Jesus, Juan 3:16; 3:36; 5:24; 6:47; Gawa 16:31; Ef 2:8-9 at marami pang iba. Hindi mo kailangang bilihin ang buhay na walang hanggan ng relihiyon, katapatan o mabubuting gawa. Ang Diyos ay hindi contractor na masusuhulan ng kabutihan o ng pagbabagong-buhay o ng katapatan hanggang kamatayan o pagsagawa ng ritual gaya ng bautismo. Ang tanging tinatanggap ng Diyos ay ang gawa ni Cristo sa krus at ito ay kinekredito sa iyo kung ikaw ay manampalataya kay Cristo.
Anong pumipigil sa iyong tanggapin ang libreng kaloob na ito? Wala itong bayad. Walang hidden charges (abuloy, tithes, karidad, atbp) o anumang fine print (kailangan mong maging tapat hanggang kamatayan, kailangan mong magsarelihiyon, kailangan mong magkandakuba sa mga gawa, atbp). Ito ay ganap na biyaya na tatanggapin sa pamamagitan lamang ng mananampalataya.
Ang buhay ay maikli at ang bukas ay hindi ipinangako. Gamitin mo ang pagkakataong ito upang magkaroon ng katiyakan ng buhay na walang hanggan. Manampalataya ka kay Jesus ngayon. Ang pangako ay "hindi mapapahamak kundi mayroong buhay na walang hanggan."
Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)
Comments
Post a Comment