Life isn't about accumulating things
There's more to life than accumulating wealth that can be lost to thieves, rust or bad decisions. Tanungin ninyo ang mga involved sa flood control projects.
Maybe they're thinking na kung sa halip ba ibinigay nila ang kanilang buhay aa pagtitipon ng salapi ay ibinigay nila ito sa Diyos at pagkakawang-gawa, marahil sila ay nasa balita for an entirely different reason: admired not despised.
When we give to church or to charity, we're reminding ourselves that life is more than having more than others, it is returning to God what He Himself gave first.
Kinikilala nating anumang mayroon tayo ay galing sa Diyos at binabalik lamang natin sa Kaniya at Kaniyang layon. Ito ay rekognisyon na labis ang Kaniyang binibigay na sobra pa sa ating pangangailangan at sapat pa upang pondohan ang mabuting gawa.
Sa ating pagbibigay, pinahahayag nating we may own money but money doesn't own us. Maraming taong mula paggising hanggang pagtulog ang nasa isip ay pera.
Sa pera lamang umiikot ang kanilang buhay and they wonder kung bakit walang tungo ang kanilang buhay.
Dumarami ang gadgets pero bumababa ang kalidad ng mga relasyon. Mahirap magkaroon ng relasyon kung ito ay sinusukat ng kalansing ng bilog na metal.
Ngunit may kalayaan kung ang buhay ay umiikot sa Diyos. God is creative and gracious, and a life with Him opens possibilities you don't think exist.
Let us join Him in His purposes. And let us fund these excursions.
Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)


Comments
Post a Comment