Kaya siguro ayaw nila magsimba kasi lagi tayong nakasimangot


Siguro isa sa mga dahilan kung bakit ayaw ng mga unbelievers na magsimba ay lagi tayong nakasimangot. Sa halip na ma-encouraged silang bumalik, they feel out of place and unwelcome. So they never come back. 

Naririnig ko na ang mga objections. Na ang dahilan kung bakit hindi nagsisimba ang mga unbelievers ay dahil they reject the truth. Na ayaw nilang ma-exposed ang kanilang kadiliman sa liwanag ng evangelio, Juan 3:19-21. Na binulag ng diyos ng sanlibutang ito ang kanilang isipan at kahit pa ikaw na ang friendliest church, hindi mo maliligtas ang taong ayaw manampalataya. 

I agree and I agree and for the third time I agree.

There is a spiritual side sa issue kung bakit ayaw ng mga unbelievers na magsimba. But the local church is made up of people and we should also consider the relational side of the issue. 

If you ask unbelievers why they don't attend church, iilan lang ang magsasabing they reject Christ. They all claim to believe in Christ. They just hold to different ideas on what it means to believe in Christ. For some, it means membership in a particular religion or for some it is performing rituals and rites. 

Ngunit marami rin, mas marami, ang nagsasabing it's because they don't feel welcome. The Christians don't look welcoming. Tila laging galit sa mundo. They don't feel welcome. Nakatatanggap sila ng cold shoulders.

For some reasons ini-ignore ng mga mananampalataya ang mga unbelievers na bumibisita sa simbahan. Sa halip na iparamdam sa kanilang they're welcome and that they can come back anytime, we just ignore them. 

Masipag tayong mag-house-to-house evangelism pero kapag sila ay nasa simbahan na, we ignore them.

When was the last time na after the service, you took the time na ngitian, kamayan at kausapin ang bisita sa simbahan? Kailan ka nagpakita ng interes na may bagong mukha sa simbahan?

Kung hindi tayo magpapakita ng interes sa mga bisita, our church will die. Hirap na nga tayong kumbinsihin ang mga taong magsimba, mas mahihirapan tayo kung hindi natin papansinin ang mga taong aktuwal na nag-exert ng effort to come to church. 

Ang problema ay lagi tayong busy. Kaya pagkatapos ng Bible study, sa halip na mag-stay para makipagkwentuhan, nagmamadaling umalis at umuwi. Wala tayong time sa fellowship. 

At dahil wala tayong fellowship after Bible studies, ginagawa nating substitute ang quarterly luncheon bilang "fellowship." Kaya ang fellowship ay ginagawang equivalent sa eating and drinking, bagay na espisipikong sinasabi ng Biblia na hindi essence ng godliness. And worse, we deny these "fellowships" sa mga taong higit na nangangailangan ng yakap ng mga Cristiano - ang mga unbelievers at mga believers na backslider. 

We should start becoming more friendly. Being friendly doesn't mean compromising. It means relaxed mental attitude. It means radiating the love that we receive from Christ Himself. 

Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina. 

(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.

Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan. 

Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)



Comments

Popular posts from this blog

Isang Pag-aaral sa Efeso 2:8-9

Nangungulila sa isang Ama

Panalangin sa Kapatiran