Join an Bible-believing church

 

I am saved and am going to heaven by faith in Christ. So why do I need the local church. 

No doubt hindi mo kailangang maging miyembro ng isang local church upang maligtas. Ang nag-iisang requirement ay ang manampalataya sa Panginoong Jesus. 

However, sa sandaling manampalataya ka kay Jesus ikaw ay naging anak ng Diyos. Bahagi ka ng pamilya ng Diyos. Hindi ba dapat lamang na ang anak ng Diyos ay mamuhay kapiling ng ibang anak ng Diyos. 

Kahit sa sekular na mundo, it is considered a tragedy kapag ang isang bata ay ipinanganak na walang pamilya. Nalulungkot tayo kapag ang isang bata ay pinanganak sa pamilyang namatay sa aksidente, halimbawa. O batang napulot sa basurahan dahil tinapon ng kaniyang ina. Instinctively, nakikita nating hindi normal ang ipanganak na hiwalay sa pamilya. 

Spiritually ganuon din. Bagamat hindi natin kailangan ang church upang maligtas, it is not normal for a believer to live apart from his spiritual family. We need the family to grow in grace and in the knowledge of our Lord Jesus Christ. 

Inside the church, we have a safe haven to live the spiritual life. Sa outside world, we're being judged for being peculiar. Sa church we have encouragement to live spiritually. 

Ang nakalulungkot ay napaka-judgmental ng church. Kaya sa halip na ma-encouraged ang Cristianong magsimba, lalo siyang nadi-discouraged. Many times mas welcoming pa ang world kaysa sa church. Guess kung kanino mas nalalapit ang loob ng mga believers? 

Mahalaga ang church para sa isang Cristiano. Maaaring nasunog ka sa simbahan dahil hindi mo makita ang biyaya ni Cristo sa mga naruon. Ngunit just because some churches are legalistic, it doesn't mean every churches are. Besides, we should attend the church for Jesus' sake, not for some people's opinions. 

If you are not a member of a local church, join one. Join a Bible-teaching church. 

Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina. 

(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.

Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan. 

Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)




Comments

Popular posts from this blog

Isang Pag-aaral sa Efeso 2:8-9

Nangungulila sa isang Ama

Panalangin sa Kapatiran