2 Timoteo 4:3 Sapagka't darating ang panahon na hindi nila titiisin ang magaling na aral; kundi, pagkakaroon nila ng kati ng tainga, ay magsisipagbunton sila sa kanilang sarili ng mga gurong ayon sa kanilang sariling mga masasamang pita; 4 At ihihiwalay sa katotohanan ang kanilang mga tainga, at mga ibabaling sa katha.
Nasa panahon tayo ng anti-intelektuwalismo. Sa halip na mag-isip para sa sarili, mas pinahapahalagahan ang emosyon. Ang tanging pinapakinggan ay ang mga bagay na gustong marinig, mga bagay na magre-reinforce ng preconceived notions. Ni hindi natin sinisilip ang kabilang bakod dahil baka they have something worthy to say. We just stay on our side of the fence.
Makikita natin ito sa social media. Whenever people are in disagreement, instead of talking it out, nauuwi sa ad homs at pagmumurahan. Especially if ang isyu ay may kinalaman sa mga Duterte, Marcos o food control projects. For some reason, ang kabuuan ng isang tao ay hinuhusgahan based on where they stand in these issues.
Lahat ay mainit ang ulo at hindi miminsang violence is advocated.
Kailan pa naging bahagi ng isang mapayapang pag-uusap ang paggamit ng violence?
Unfortunately, ang ganitong attitude ay nadadala sa simbahan. Sa halip na makinig with an open heart, nakikinig with preconceived notions, especially sa messenger. Kung kabati ang messenger, lahat ay tatanggapin even the most heretical of ideas. Kung ang messenger ay hindi kasundo, we turned off our ears. Sa halip na matuto, inisiip nating tayo ay pinatatamaan.
We lost objectivity in learning. We lost the skill of listening everything, evaluating everything, suspending judgment until everything is heard and believe the explanation that best fits reality.
Instead we listen with our emotions. We don't want to learn. We wanted to be validated in our beliefs.
And woe to those who disagree.
We forget the lesson of Genesis 3. Nakinig si Inang Eva sa ahas hindi dahil sa siya ay may kredensiyal (sino ang ahas para paniwalaan kaysa sa Diyos?) kundi dahil kinakamot nito ang kaniyang tainga- naririnig niya ang gusto niyang marinig. She wanted to be more than God designed her- a helpmeet for Adam. She wanted to be god herself, able to determine her reality independent of God.
Sounds familiar? We create our own reality?
That's exactly what the world is selling because this world advocates for Satan.
Kaya bilang mga Cristiano, mas lalo tayong dapat magpakalalim sa Salita ng Diyos. Otherwise we won't have a defense against Satanic thinking.
Lagi kong sinasabi sa aking mga estudyante - think for yourself. Don't let others decide for you. Lagi ko sa kanilang sinasabi, as a student of science, we don't have preconceived notions. We get the data and interpret accordingly. In the same way tayong mga Cristiano ay dapat maging objective learners - think outside the worldly box and make judgments only when all the facts are in. We will be secure of our conclusions if they are based on evidence. This thinking is especially true when we preach. We don't preach isolated texts. We determine what the Bible says on the subject before we make applications.
Let us not hear only what we wanted to hear. That will stunt us. That is scary.
Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)
Comments
Post a Comment