Itago sa puso

 


Psalms 119:11 [11]Your word I have treasured in my heart, That I may not sin against You.

Paano ang tamang pagdala ng Salita ng Diyos? Bitbit sa kamay? Nasa bag? Nakaipit sa likod?

Ang pinakamaiging paraan upang bitbitin ang Salita ng Diyos ay sa puso. 

Maaaring mawala o masunog ang mga pisikal nating Biblia ngunit kung ito ay natatago sa puso, hindi ito kailan man maiwawala. 

Gawing nating disiplinang isaulo ang Salita ng Diyos. Ito ang magpoprotekta sa ating isipan kapag nahaharap tayo sa pagsubok ng buhay. 

Nagagawa nating isaulo ang mga komplikadong pormula sa matematika o pangalan ng kung sinu-sinong bayani ngunit hindi natin magawang isaulo ang beysiko ng Kasulatan. 

Nakapagtataka bang hindi tayo makapag-isip nang maayos kapag tayo ay nahaharap sa mga pagsubok? Wala tayong mapagkukunan ng lakas at karunungan. 

Paglaanan nating itago sa ating mga puso ang Salita ng Diyos. For sure we will be thankful. 

Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.

(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.

Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan. 

Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)




Comments

Popular posts from this blog

Isang Pag-aaral sa Efeso 2:8-9

Panalangin sa Kapatiran

Nangungulila sa isang Ama