Huwag ipilit
Minsan nagpapatulong ako sa aking mga anak. Halimbawa sasabihin kong pakihila ang isang tali. Minsan sa kanilang paghila, nadiskubre bilang ang tali ay nakabuhol sa ibang bagay at kahit anong hila, hindi nila mahuhubad ang pagkatali. Sinasabi kong dahan-dahan, huwag ipilit, baka maputol ang tali o may matumba.
Ganuon dib sa espirituwal na buhay. Hindi lahat nadadaan sa pwersa. Sabi nga ng mga Tagalog, kung ukol ay hindi bubukol. Kaya may bukol dahil hindi ukol.
Isang bagay na dapat nating matutunan ay ang bitawan ang ating pagnanasang kontrolin ang ating mga buhay at itiwala ang timon sa Diyos.
I know it is scary na ibigay sa iba ang kontrol. Mula pagkabata, tinuruan tayong magsarili. Una, sinusubuan tayo ng ating mga magulang at kalaunan ay pinapabayaan tayong magsubo ng ating sarili. Dati tayo ay pinaliliguan ngunit kalaunan ay hinahayaang maligo ng sarili. Unti-unti tinuturuan tayong mamuhay nang hindi umaasa sa iba.
It is a foreign thing ang iasa ang sarili sa iba. Even if that iba is God.
We value control and independence. And in limited sense, these are even virtues. But in the absolute sense, we need to learn that we cannot control our destiny and we need to depend on God. Instead of living our way, forcing things our way, we need to learn God's ways and cooperate with Him.
When God is in something, it flows and gaya ng sabi ni Gamaliel, no man can stop it. Any attempt to do so will be going against God.
Things will flow naturally if we cooperate with God's doing.
Magbubukas ang mga pinto. Things will fall in place. All we need to do is let God do His work and watch for His salvation.
This is not calling for passivity. This us calling against living independent of Him.
God is omniscient. He knows what is best for us and the best we can do is trust Him to do His things.
And cooperate and don't force things.
Alam mo iyong kapipilit mong itama ang mga bagay, lalong gumulo? Iyong nais mong sulsihin ang mga punit ngunit lalong lumaki ang wakwak? I know you understand what I am saying.
Be watchful of what the Father is doing. You can only do that if you think God's thoughts. And you can only think God's thoughts if you have His Word flowing through your streams of consciousness.
Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)
Comments
Post a Comment