Hush and heal


 Hebrews 12:15
[15]See to it that no one comes short of the grace of God; that no root of bitterness springing up causes trouble, and by it many be defiled;

Napakapraktikal ng aklat ni James. Sa gitna ng pagsubok, pinayo niyang maging maliksi sa pakikinig, makupad sa pananalita at makupad sa pagkagalit. Let us face it kapag tayo ay stressed, tayo ay madaling magalit at mas mabilis tayong magbitaw ng salitang ating pagsisisihan. 

Maraming relasyon ang mananatili, maraming problemang maiiwasan at maraming gulong maaayos kung natuto lamang tayong mag-zipper ng ating bibig. 

Sa mga sandaling tayo ay emotionally aroused, especially sa mga negative emotions, mas kailangan nating bantayan ang ating bibig. Kapag ang puso ay nababalot ng kapaitan, siguradong kapaitan din ang lalabas sa bibig dahil ang bibig ay labasan ng tubig na ang bukal ay nagmumula sa puso. 

Gaya nang sabi ni Jesus, kung ano ang nasa puso, iyon ang lalabas sa bibig. Kaya kung ang puso ay hindi pinagtibay ng biyaya (Hebreo 13), kundi nababalot ng kapaitan, asahang ito ay lalason sa lahat mong relasyon. 

So the better part of wisdom is to hush until you heal. 

This way hindi magiging channel ng kapaitan sa iba. 

Huwag mong hayaan ang iyong bibig na maging dahilan upang magkasala ang iyong katawan. 

Sa kawalan ng kabutihan at mabubuting gawa siguradong nananahan nang mahusay ang maraming walang halagang salita. 

Itikom hanggang hindi kalmado.

Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.

(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.

Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan.

Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)




Comments

Popular posts from this blog

Isang Pag-aaral sa Efeso 2:8-9

Nangungulila sa isang Ama

Panalangin sa Kapatiran