How can I serve God?
We would like to serve God but I am afraid we have a wrong concept of what it means.
Maraming iniisip na ang paglilingkod sa Diyos ay something na visible- magturo ng Bible, mag-lead ng prayer meeting o maging active sa choir o devotionals.
Ngunit ang tunay na paglilingkod sa Diyos ay ang pagtugon sa anumang pangangailangan upang ang bayan ng Diyos ay makapagtipon at mag-aral ng Biblia nang walang hadlang.
It might mean coming earlier than the usual upang mag-ayos ng mga upuan, mag-set ng projector at fans, o magwalis ng hall bago ang Bible studies. It might mean being the last to go dahil kailangang linisin ang hall, ibalik ang upuan sa gilid at ibalik ang mga projector at fans. It might mean nights para mag-prepare ng prep school lessons o pagpaplano sa youth activities. Mga bagay n walang nakakakita except God.
It might mean paghuhugas ng plato kapag may kainan sa church, o paghahatid-sundo ng mga kapatid na walang sasakyan o pagbisita sa kapatid na hindi nagsisimba. Mga bagay na walang nakakakita at walang pumapalakpak.
Helping others is the purest form of ministry. It is the thankless job of making sure that other Christians can serve in a more visible capacity. It is the job of playing second fiddle.
It is making sure the need is addressed so the weekly service can continue without interruption.
It is edifying others even if you're not visible in the pulpit.
It is simply being there so others can talk to you.
Service is using your gifts to glorify God and edify the church.
Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)


Comments
Post a Comment