Feed your faith

 


Bahagi ng pagiging tao ang mag-alinlangan. Bilang mga taong limitado ang kaalaman at lakas, natatakot tayo sa kung ano ang ating haharapin. Dahil dito ginagawa natin ang lahat ng ating magagawa para kontrolin ang ating buhay. Naiistres tayo kapag hindi natin kontrolado ang sitwasyon.

Ngunit hindi ito normal para sa isang taong nanampalataya kay Cristo. 

Isipin mo ito, pinagkatiwala mo sa Kaniya ang iyong eternal na kalagayan nang manampalataya ka kay Jesus. It doesn't make sense na pag-aalinlanganan mo ang Kaniyang probisyon sa pang-araw-araw na temporal na pangangailangan. 

Kung laging nakatuon ang ating mga mata sa Kaniya, makalalakad tayo above the storms of life. But when we take our eyes off Him, doon tayo lumulubog. Remember Peter? 

Ngunit bakit inaalis natin ang ating mata sa Kaniya? Because ang napapansin natin ay ang ihip ng hangin. Natataranta tayo sa mga ekonomikal at sosyal na kaabalahan. 

Natutukso tayong to take things on our own hands. And then we're perplexed why things go worse.

It is because we succumbed to fear. Natatakot tayong malunod kaya magalaw tayo sa tubig, not realizing na mas lalo tayong nalulunod. Instead we need to relax in the arms of the best Lifeguard of all time-Jesus. 

We resists His salvation because we're afraid. 

How do we starve this fear? Study the Word of God regularly. Sa Biblia masusumpungan natin ang mga taong kagaya natin ay humarap ng pagsubok ngunit nagtagumpay dahil pinili nilang itiwala ang lahat sa Kaniya. 

By feeding on His Word, our faith grows and fear starve to death. After all how can your fear grow if you're face to face with Christ in the Scriptures?

Kapag pinabayaan natin ang pag-aaral ng Salita ng Diyos dahil ginawa nating substitute ang relihiyon, tayo ay mapapagod at manghihina. Hindi tayo mamumunga. 

Fear will grow and predominate. 

Focus on His Word. Our God is much, much greater than any phobia you're nursing. 

Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina. 


(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.

Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan. 

Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)



Comments

Popular posts from this blog

Isang Pag-aaral sa Efeso 2:8-9

Nangungulila sa isang Ama

Panalangin sa Kapatiran