Broken
2 Corinto 1:3 Purihin nawa ang Dios at Ama ng ating Panginoong Jesucristo, ang Ama ng mga kaawaan at Dios ng buong kaaliwan; 4 Na siyang umaaliw sa atin sa lahat ng kapighatian, upang ating maaliw ang nangasa anomang kapighatian, sa pamamagitan ng pagaliw na inialiw din sa atin ng Dios.
Madali ang magbigay ng advice kapag everything is doing well. Pero iba ang bigat ng payo kapag nanggaling sa taong dumaan sa kaparehong pagsubok at nakalagpas dito with their faith unscathed. In fact, mas lalo pang lumalim.
Isang blessing ang magkaroon ng kaibigang paulit-ulit na dinurog ng kapalaran ngunit paulit-ulit na bumabangon dahil sa kaniyang pananampalataya sa Diyos. Ang taong ito ay gold mine ng praktikal na kabanalan at pananampalataya.
Sila ay malakas hindi dahil hindi sila yumuko kundi dahil sa paulit-ulit na pagyuko, lumakas ang kanilang mga batok.
Natutunan nila ang leksiyon ng Ef 1:19ss: ang kapangyarihan ng Diyos ay available sa lahat ng mananampalataya. Anumang dumaraan sa ating buhay ay nakikiraan lamang. Hindi sila nananatili. Tanging ang Diyos at Kaniyang Salita at layon ang may eternal na halaga.
Kung matututo tayong kumapit sa eternal na Diyos na ito at Kaniyang mga pangako, hindi tayo aanurin ng baha ng buhay.
Malugmok man tayo ay muling babangon. Hindi mo mawawasak ang dati nang wasak at maingat na binuo muli ang sarili.
Ang Diyos ang ating lakas. Huwag nating kalilimutan ang katotohanang iyan.
Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)


Comments
Post a Comment