An empty house, a hole inside my heart

 


Proverbs 21:9 [9]It is better to live in a corner of a roof Than in a house shared with a contentious woman.

An empty street, an empty houseA hole inside my heartI'm all alone, the rooms are getting smaller (Westlife)

Aanuhin mo ang bahay na bato kung ang nakatira ay kwago. Mas maigi pa ang kubo kung ang nakatira ay tao. (Salawikaing Filipino)

A house is not a home. (English proverb)

Isa sa paborito kong page sa FB ay pag-aari ni Genesis M. Auza. Isa siyang abogado at madalas siyang magpost tungkol sa pamilya at pagtatrabaho. 

Isa sa temang madalas niyang isulat ay ang katotohanang nagtatrabaho tayo para sa pamilya ngunit at what cost? Nag-a-upgrade tayo sa buhay but for what reason? Is the price worth it? 

Personally, I am edified by his posts kaya madalas ko silang i-share sa FB ko. 

Isa sa mga lost art in raising a family is hindi ang laki ng bahay ang sukatan ng matagumpay na pamilya kundi kung gaano kasaya ang mga nakatira rito.

Aanuhin mo ang malaking bahay kung ang tanging naririnig ay umaalingawngaw na katahimikan? Or worse maingay nga pero hindi ng halakahakan kundi pag-aaway? 

Mas maigi ang kaunti na pinagsasaluhan kaysa maraming puno ng pagtatalo.

Huwag tayong magpadala sa kwento ng sanlibutan na bigger is better. Bigger house does not mean happier home. If people do not see eye to eye, it isn't even a home. It is just cement and iron. 

Sikapin nating patibayin hindi lamang ang pundasyon ng ating mga bahay kundi ang pundasyon ng ating mga pamilya. Hindi ito madaraan sa pera, ang pamilya ay napapatibay ng relasyon, lalo na sa Panginoon. Sikapin nating paluwagin hindi ang floor area ng ating bahay kundi ang area ng fellowship sa bawat isa. After all a big room looks more empty kung nag-iisa ka dahil wala kayong maayos na komunikasyon. 

Hindi ako nagmumungkahing magi tayong mga monghe and purposely live deprived (though that is probably better if it means cultivating an intimate relationship with God). Given a chance, I wanted a big house with its own gym, its own basketball court and swimming pool, with a CNS garden and an orchard of fruits. But not at the expense of missed dinners, alienated children or separated marriage. 

Ang pagkakaroon ng isang pamilya ay isang oportunidad na binigay ng Diyos upang ating mahubog ang ating mga anak sa daan ng Panginoon. Isa itong pagkakataon upang lumikha ng mga kawangis ni Cristo. 

Dapat maging malinaw sa atin kung ano ang mahalaga. As early as now, we need to establish a clear set of values. We must know our priorities and our scale of values. Hopefully it is a priority and a value based on the Word of God. 

Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina. 

(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.

Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan. 

Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)




Comments

Popular posts from this blog

Isang Pag-aaral sa Efeso 2:8-9

Nangungulila sa isang Ama

Panalangin sa Kapatiran