Aim for the recognition that matters

 


We love to impress everyone. That is why we dress sharp, we project impeccable manners and develop a facade. Gusto nating purihin at hangaan. We don't understand the way of Christian nomads. 

Bilang mga Cristiano, tayo ay dayo at nakikipamayan lamang sa sanlibutang ito. Hindi ito ang ating tirahan at hindi rito ang ating pakikipamayan. 

Tayo ay mga nomads na nakikiraan lamang patungo sa ating tunay na bayan. 

Ang malungkot ay maraming Cristianong nais manirahan sa mundong ito. Iniisip nating ito ang tunay na mundo. Kaya sinisikap nating kunin ang respeto at paghanga ng mga worldlings. 

Let me tell you a secret: Gaano man kalakas ang paghanga nila sa iyo, sa sandaling ikaw ay mamatay, malilimutan nila ang iyong kadakilaan. 

Yes. Anumang kadakilaang inaakala mong natamo mo ay mababaon sa lupang kasama mo. 

Life will move on for the wordlings and you will be forgotten. 

Therefore, it doesn't make sense na mamuhay to gain their approval. They will be quick to throw you away when they tire and found another that get their attention. 

Instead, what is important is the recognition that will last forever (Heb 11). Divine recognition lasts forever.

Sa halip na mamuhay na alipin ng opinyon ng mga tao, why not be radical and live opposite to them. Live Biblically, be peculiar and be outside the box. Burn the box. 

Ang isang musikero ay hindi nagpapadala sa applause ng mga untrained listeners. Nakikinig lamang siya sa opinion ng kaniyang maestro. Ang opinion lamang ng maestro ang mahalaga dahil iyon lang ang makakaimprove ng kaniyang performance. Ang opinyon ng iba ay hanging walang ulan.

Kung tatanggapin natin ang kaisipang ito, we will avoid the need to perform. Performative masculinity/feminity/facade is weakness. It caters to others rather than an expression of who we truly are-we are in Christ. 

Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina. 

(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.

Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan. 

Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)




Comments

Popular posts from this blog

Isang Pag-aaral sa Efeso 2:8-9

Nangungulila sa isang Ama

Panalangin sa Kapatiran