Hindi ako nakasimba, ibig bang sabihin hindi ako faithful in serving God?
We are saved by grace. We should live by grace. Let that sink in.
Natatakot ako na marami sa atin ang naligtas sa biyaya pero namumuhay sa legalismo. May mga tseklist tayo ng tamang gawin ng isang "tunay na Cristiano" at kapag hindi ito natsekan, ikaw ay hindi tapat, or worse hindi ka talaga ligtas.
How did we come to this? Nagsimula tayo sa biyaya, masasakdal ba tayo sa laman? Anong gayuma ito?
Now don't get me wrong. We should study the Word of God, as often as we can, kung pwede ay araw-araw. Pero ang desisyon kung ang isang tao ay faithful o hindi ay not for us to decide, 1 Corinto 4:2-4.
Kahit ng nagkasakit ako sa baga at halos hindi makakilos dahil sa lakas ng gamot, hindi ako tumigil na magsimba. Hindi ako um-absent kahit isang beses. Binanggit ko ito upang bigyang linaw sa lahat na ang aking blog is not me justifying my absences. In truth, mabibilang sa iisang kamay ang mga araw na wala ako sa simbahan kapag Linggo. Ironically, ang nagturo nito ay mas madalas pang wala sa simbahan kaysa akin. I know dahil kapag wala siya ako ang nagtuturo, sometimes 4 hours a day. Dapat ko bang isiping unfaithful siya sa mga araw na absent siya sa simbahan? According to his teaching, oo. According to my beliefs, hindi. Marahil may pinagdaraanan lang siya kaya nagmaktol at hindi nagsimba. Ang prayers ko ay bumalik siya the next Sunday. Kayo ang mag-decide which of the two attitudes reflects grace.
Ang aking posisyun ay ang pag-attend sa Bible studies ay hindi sukatan ng faithfulness in service. Maraming um-attend sa Bible studies ang hindi naman nauunawaan ang pinag-aaralan. Marami ang nagtsitsismisan lamang sa likod, including ironically, ayaw kong magsalita.
Ang Bible studies is not worship either. It is just a small part of it. Hindi ako pumupunta sa assembly area para sumamba. Pumupunta ako roon para matuto, magkaroon ng impormasyong Biblikal na gagabay sa akin sa pamumuhay outside of church services. Makasasamba tayo sa Diyos kahit hindi Linggo. In fact there is something wrong with your spiritual life kung sumasamba ka lang kapag Linggo. We should worship everyday, even if not Sunday; our Sunday Bible studies help us have an informed worship.
May hindi nakakasimba dahil sa sakit at karamdaman. Hindi ito nangangahulugang hindi sila faithful. Bilang dating may sakit sa baga, I am the first to say na may mga araw na ayaw kong kumilos, lalo pag Linggo. The only thing that keeps me going is not so I can faithfully check my "Christian life" card but because I love doing it. Ni hindi nga alam ng mga kapatid na nagkasakit ako dahil nahiya akong malaman nila na sa laki kong ito, mahina pala ang aking baga.
May hindi nakasimba dahil sa trabaho o sa pagklase. Hindi dahil sa hindi sila faithful. Given a chance I am sure they wanted to attend church. Instead of condemning them as unfaithful, naghanap sana ang church ng alternative ways to reach them. Like starting an evening service. Or home visiting and home Bible studies. Or maybe bayaran niya ang sahod ng mga kapatid na aabsent sa trabaho para lang makasimba.
Mga kapatid, as much as I want you all to attend Sunday services, we are stepping beyond the Scriptures to insist na kapag hindi nagsimba ang kapatid, sila ay hindi faithful. Maybe yes. Maybe no. Kahit sa mga regular nagsisimba, we are not to assume they are all faithful. Maybe yes, maybe no. Maybe takot lang silang masabihang unfaithful.
Let's just preach the truth. God will supply the positive hearers.
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Dahil hindi ako miyembro ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)
.jpeg)

Comments
Post a Comment