Bitinan ng bato ang leeg at ilubog sa dagat
Mateo 18:6 Datapuwa't sinomang magbigay ng ikatitisod sa isa sa maliliit na ito na nagsisisampalataya sa akin, ay may pakikinabangin pa siya kung bitinan ang kaniyang leeg ng isang malaking batong gilingan, at siya'y ilubog sa kalaliman ng dagat.7 Sa aba ng sanglibutan dahil sa mga kadahilanan ng pagkatisod! sapagka't kinakailangang dumating ang mga kadahilanan; datapuwa't sa aba ng taong yaong panggalingan ng kadahilanan!
Sa Mateo 18, may mga maliliit na batang nais ilayo ng mga apostol sa Panginoon dahil tinuturing silang asungot. Sa unang siglo, ang mga bata ay walang karapatan. Ito ang naging object lesson upang sa v6 at 7 ay balaan ang sinumang magiging katisuran sa mga bagong mananampalataya.
Ano ang kapalaran ng mga katisuran ng bagong mananampalataya? Sila ay dapat magtali ng malaking batong gilingan sa leeg at ilubog sa kalaliman ng dagat.
Hindi simpleng bagay ang maging katisuran sa mga kapatid.
Kung minsan tayo ay nagiging katisuran sa iba. Ang ating pamumuhay at pananalita ay nagbibigay ng pangit na testimonyo sa iba. Kaawa-awa ang kalagayan ng magiging katisuran ng iba.
Ilang tao ang nais na magsimba ngunit hindi tumuloy dahil sa isang Cristiano? Ang pinakamasakit na salitang maaaring marinig ng isang Cristiano ay, "Magsisimba sana ako kung hindi dahil sa iyo!"
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Dahil hindi ako miyembro ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)
.jpeg)

Comments
Post a Comment