Para sa inyong kaalaman, hindi madali
Kung ikaw ay tipikal na miyembro ng isang simbahan, pagdating mo sa simbahan, wala kang gagawin kundi maupo, makinig ng sermon o Bible studies, at umuwi. If you're lucky, baka may special number at makakarinig ka ng kanta. If you're very lucky, baka may meryenda pa dahil may kapatid na nagbertdey at naghanda sa simbahan.
Ang hindi mo nakita ay ang hours of preparation before ka dumating. Ang mga behind the scenes na paghahanda upang masigurong may sermon sa Linggo, may special number kung mayroon at kung may iba pang ganap. Hindi mo inabot ang pag-aayos ng mga upuan, ang paglilinis ng kapilya, pagseset-up ng audio kung mayroon, ang pagpraktis ng choir, ang pag-prepare ng materials sa Prep school atbp. And since most typical members ay late dumating pero maagang umuwi, hindi mo rin nakita ang pagliligpit ng mga gamit, pagwawalis ng mga kalat, pagtatanggal at paglaba ng kurtina atbp.
Lahat ito ay works of love upang pagdating mo, uupo ka na lang. Ang masaklap, many times hindi appreciated ang mga ito dahil sa halip na makinig, magtsitsismisan pa. Nababalewala ang mga preps dahil ang pagpunta kapag Linggo ay naging ritwal na lang na walang nagbabagong katotohanan sa buhay.
Hindi ninyo batid ang pinagdaanan ng inyong mga guro sa isang linggo. Kung paanong kailangan niyang maghanap buhay upang suportahan ang kaniyang pamilya, ang mga domestikong problemang kaakibat ng isang nagpapalaki ng pamilya, ang pagtaas ng presyo ng bilihin, ang pasaway na anak, presyur sa pagpapaklase, kung paanong lahat ng pinagdaraanan ng isang normal na pamilyadong pamilya ay pinagdaraanan plus ang pag-aalala sa mga iglesia.
Hindi ninyo batid ang presyur sa work place. Kung paanong kailangan niyang pakisamahan ang mga workmates na kumpitesyon sa promosyon, na kailangan niyang ma-please ang kaniyang superiors na may goals na dapat marating, na kailangan niyang paglingkuran ang kaniyang mga clientles gaya ng pasaway na estudyante at demanding na magulang.
Hindi ninyo batid ang pinagdaraanan na isyu ng pagpapalaki ng anak. Yes, gaya ninyo may pinalalaki siyang anak with the other pressure of raising PK, preacher's kids. Kailangan nilang mag tip toe dahil kaunting mali, masisira ang testimony.
Hindi ninyo alam kung paano hokus-pokus ang ginagawa ng inyong mga guro para ma-stretch ang kulang na budget. Dahil in addition sa pagsuporta sa pamilya (at kung sino pang dependents), minsan abunado siya sa work and most of the time siya pa ang nagsu-subsidize ng ministry.
Hindi ninyo alam ang presyur ng kaniyang pamilya. Dahil habang ang guro ng Biblia ay naghahanda, ang mga family members ang gumagawa ng mga trabahong dapat niyang gawin. At anumang gawain sa simbahan, damay ang pamilya upang maglinis, mag-ayos, mag-estima.
Hindi ninyo nakita ang oras na inubos niya sa pag-aaral, how he wrestle with the texts, choosing from several good interpretitive options upang may maituro pag Linggo. Minsan napapabayaan niya ang kaniyang social life dahil imbes na makisosyalan sa kaniyang mga friends and workmates, siya ay nasa bahay, nag-aaral. Nagmamando behind the scenes upang masigurong maayos ang worship sa Sunday.
Hindi ninyo alam ang kaniyang emotional damages. Minsan ang ating linggo ay napupuno ng mga problema. Problema sa pamilya, sa work, sa friendships. Huwag naman sanang sumabay ang sa church. More than anyone, ang mga church people dapat ang nakakaunawa ng encouragement at ng faith working through love.
Hindi ninyo alam ang kaniyang frustrations. Na hindi niya masabi kung kanino dahil siya ay nag-iisa. Frustration dahil sa kakulangang pinansiyal. Frustration dahil may pangarap siyang umangat pero naka-hold dahil may ministri. Frustration dahil hindi siya nauunawaan ng family and friends. Frustration dahil siya ay peculiar.
Hindi ninyo alam kung paano niya pagkakasyahin ang oras. Kagagaling pa kang sa trabaho, kailangan niyang gawin ang mga household chores upang may matira pang oras sa gawaing simbahan. Pagkatapos ng 5-day work week ang Sabado at Linggo ay hindi magagamit sa pahinga dahil ang mga ito ay time for ministry.
Hindi ninyo alam ang kaniyang disappointments. Dahil despite all the efforts, walang appreciation. Marami pa ring reklamo, komento at objections. Wala namang konkretong suhestiyon. Pero siya ang shock absorber ng simbahan. Kapag may problema, siya ang sasalo. Kapag may kakulangan, siya ang hahanap ng paraan. At kapag nabigo siyang mag-deliver ng expectations, ang aasahan niya ay sandamakmak na reklamo. May threat pa na lilipat ng simbahan.
Siya ay expected na always available. Kapag nag-set ng boundaries, siya pa ang mali kasi selfish daw. Many times ang kalaban pa ay ang kapwa niya manggagawa.
Ang punto ko ay simple. Mahalin ninyo ang inyong guro ng Biblia. Ang nakikita ninyo lang ay ang nangyayari pag Linggo at minsan sasabihin ninyo pang boring or irrelevant. Hindi ninyo nakikita ang mga behind the scenes. Hindi ninyo alam kung ano ang pinagdaraanan ng inyong guro masiguro lang na mayroon kayong quality Bible study o sermons.
Sa halip na dagdagan ninyo ang kaniyang dala-dalang bigat, gamitin ninyo ang inyong mga gifts upang pagaanin ito. Dahil ang inyong guro ay tao na napapagod. Kahit kalabaw napapagod. Ang pagod ng katawan ay naitutulog. Pero ang pagod na dala ng overworked but underappreciated ay mas mahirap makita at mas malalim ang tama. Kapag mapagod ang inyong guro ano ang pipigil upang siya ay umayaw e voluntary work lang naman iyan.
Sa halip na dumagdag sa problema, encourage him. Pray for him. Give practical acts of love and service. Bring him groceries. Maintain his vehicles. Visit him from time to time. Send encouraging messages. Nakakataas ng morale ang thoughts na someone somewhere cares.
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, alas 8:30-10:30 am. Sa Amoguis, 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)
Comments
Post a Comment