Liwanag sa daanan


Madalas ilarawan ang espirituwal na pamumuhay sa pigura ng paglalakad. Sa ating pamumuhay o paglalakad, kailangan natin ng gabay na magtuturo sa atin kung paano mamuhay. Ayon sa Mang-aawit, ang gabay ay hindi ang ating emosyon, hindi ang ating pansariling karunungan, hindi ang ating kultura, kundi ang Salita ng Diyos.

Sa dilim, ang una nating hinahanap kung ayaw nating madapa o madulas o mahulog sa butas o bangin ay ilaw. Ang ilaw ay nagbibigay sa atin ng liwanag upang maihakbang ang ating mga paa nang hindi natatakot na mahulog sa butas. 

Ngunit maraming Cristianong namumuhay na hindi natatanglawan ng liwanag ng Salita. Marami ang walang sistematikong eksposyur sa Salita. Bihirang makipagtipon upang makinabang sa sistematikong eksposisyon ng Salita ng Diyos. Dahil dito, kapag dumating ang kapahamakan, wala silang resources na paghuhugutan ng tapang at lakas. Wala silang sagot sa mga pagsubok ng buhay. 

Mayroon ding nag-aaral ng Salita ngunit hindi niya ito hinahayaang baguhin ang kaniyang isipan. Kaya bagama't mayroon siyang doktrina, hindi ito napapakinabangan. Sa halip na gamitin ang doktrina sa panga-araw-araw na pamumuhay, lumalakad siya gamit ang kaniyang emosyon. Kapag siya ay masaya, siya ay naglilingkod, kapag siya ay malungkot, hindi naglilingkod. Ang kaniyang paglilingkod ay nakadepende sa kaniyang mood. 

Mayroon ding namumuhay ayon sa iba. Hinahayaan niyang kontrolin siya ng iba sa pamamagitan ng pakikinig sa kanilang mga opinyon. Sa halip na umasa sa Salita ng Diyos, nakadepende siya sa kung ano ang sasabihin ng iba. Ang iba naman ay nakokontrol ng iba sa pamamagitan ng kanilang nararamdaman. Dahil sila ay nasaktan at hindi marunong magpatawad, ang iba ang sentro ng kanilang buhay- paano makaganti, paano makalayo, paano makaiwas, atbp- na hindi nila napapansin, they are being defined by others. 

Ang purpose ng pagpunta sa Bible study ay upang magkaroon ng impormasyong magagamit natin sa panga-araw-araw na pamumuhay. Hindi ito broadcast ng ating sariling superyoridad. Hindi tayo nagba-Bible study upang isipin ng iba na tayo ay banal, and therefore, superior. If anything, our Bible studies are admissions that we're weak, that we do not know all the answers, that we do not have everything together, and only by appropriating the infinite wisdom of God can we operate with any semblance of order. Dapat tayong mabuhay na naiilawan ng ilaw ng Salita. Without the Word of God, we'll never know how to live a life glorifying to Him. 

Sa halip na umasa sa ating mga emosyon o sa ating mga talento, umasa tayo sa Salita ng Diyos. If we do, hindi tayo mapapamali. We'll be winners in life. 


(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, alas 8:30-10:30 am. Sa Amoguis, 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.


Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)




Comments

Popular posts from this blog

Mahirap mamangka sa dalawang ilog

Ang Sikreto ng Aming 17 Taong Pagsasama

Mga Halimbawa sa Cristianong Pamumuhay