Kailangan ko bang parawarin ang aking kapwa upang magkaroon ng buhay na walang hanggan?
Sa dami ng taong nagkasala sa akin, at sigurado akong mas marami ang bilang kung saan ako ay nagkasala sa kanila, good luck kung magawa kong patawarin silang lahat at kung kaya nilang lahat na patawarin ako. Kung ang pagkakaroon ng buhay na walang hanggan ay nakasalalay sa pagpapatawad sa ating kapwa, walang sinuman ang magkakaroon ng buhay na walang hanggan.
I don't want to be cynical but hindi parte ng human nature ang mag-forgive. Our natural inclination is to get even, even if only in our heads. I am sure marami ang makaka-relate how they right every injustice in their own imaginations, especially since it is not possible in the real world.
Kung ang pagpapatawad sa kapwa ang kailangan upang magkaroon ng buhay na walang hanggan, I am positive na wala kahit isang magkakamit nito. Even if someone is inclined to forgive anyone who injure him, it takes omniscience to know them all. Even if we forgive some of those who injure us, there will be others that will miss our awareness, and having failed to forgive, we won't have life.
Ang nag-iisang kundisyon upang magkaroon ng buhay na walang hanggan ay ang manampalataya sa Kaniya, Juan 3:16-18,36; 5:24; 6:47; 11:25-27; Gawa 16:31. Lahat ng tao ay may kakayahang manampalataya, at ang tao ay aware kung siya ay nanampalataya o hindi. Dahil dito, unlike sa pagpapatawad ng lahat ng nagkasala sa iyo, ang pananampalataya ay doable. Fair ang Diyos na gawin itong requirement dahil lahat ay may kakayahang gawin ito- ang manampalataya. Samakatuwid ang sinumang manampalataya kay Cristo ay may buhay na walang hanggan, patawarin man niya ang kaniyang kapwa o hindi.
Paano pala ang Mat 6:14 kung saan malinaw na nakakundisyon ang kapatawaran ng tao mula sa Diyos sa kaniyang willingness na patawarin ang kaniyang kapwa? Ang susi ay konteks. Sa Mateo 6, ang kausap ni Cristo ay ang kaniyang mga alagad. Tinuturuan Niya sila kung paano mamuhay sa liwanag ng nalalapit na Kaharian. Sa Kaharian, mahalaga ang pakikisama sa Diyos, at ang pakikisama ay nakadepende sa kawalan ng personal na kasalanan. Ang taong hindi marunong magpatawad sa kaniyang kapwa ay nagkakasala sa Diyos at hindi matatamasa ang pakikisama sa Diyos. Wala siyang matatamong kapatawaran din. Ang kapatawaran dito ay hindi patungkol sa pagkakaroon ng buhay na walang hanggan kundi kung paano matamasa ang pakikisama sa Diyos sa Kaharian.
Ang Mateo 6:14 ay hindi nagtuturong kailangan nating patawarin ang ating kapwa upang patawarin ng Diyos at magkaroon ng buhay na walang hanggan. Ang Mateo 6:14 ay nagtuturo sa mga taong may buhay na walang hanggan kung paano nila mapapanatili ang pakikisama sa Diyos. Kapag sila ay nagkakasala, wala silang pakikisama (walang kapatawaran ng Diyos). Kahit ligtas na sila, hindi nila mae-enjoy ang kaligtasang ito. Sa pagpatawad sa kapwa, mae-enjoy niya ang kapatawaran (pakikisama ng Diyos). Pakikisama o fellowship, hindi kaligtasan, ang isyu sa Mateo 6:14.
Manampalataya ka sa Panginoong Jesucristo at ikaw ay maliligtas. Pangako iyan sa Gawa 16:31. Pangako iyan ni Jesus, Juan 3:16.
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, alas 8:30-10:30 am. Sa Amoguis, 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)
Comments
Post a Comment