Kailangan ko bang makatiis hanggang katapusan upang magkaroon ng buhay na walang hanggan?
Likas sa tao ang gumawa. Iyan ang ating basic nature. We get what we work for. At naiinis tayo sa mga taong hanggang simula lang pero hindi nakakatapos. And this is good kung ang pag-uusapan ay ang buhay na ito. Definitely ayaw nating mag-create ng dependency and co-dependency.
Pero napapamali tayo kapag dinala natin ang attitude na ito sa espirituwal na kaligtasan. Napapamali tayo kung iniisip nating kailangan natin ang perseverance till the end upang magkaroon ng buhay na walang hanggan.
Ang Biblia ay malinaw na ang buhay na walang hanggan ay nakakundisyon sa pananampalataya lamang kay Cristo lamang, Juan 3:16-18, 36; 5:25; 6:47; Gawa 13:39; 16:31; Ef 2:8-9; Tito 3:5 at marami pang iba. Ang sinumang nanampalataya ay mayroong buhay na walang hanggan, makatiis man siya sa katapusan o hindi.
Tanungin ninyo si Samson o Jefte na napabilang pa sa bulwagan ng pananampalataya sa Hebreo 11. O si Lot. Walang nagbabasa ng Genesis ang iisiping matuwid si Lot. Pero sabi ni Pedro, oo.
Kung ang basehan ng katuwiran ay ang pagpapatuloy sa pananampalataya at mga gawa hanggang katapusan, walang pag-asa si Lot.
Kung ang basehan ng kaligtasan ay ang pagtitiis hanggang sa hangganan, walang sinuman ngayon ang makasisiguro o makatitiyak na siya ay may buhay na walang hanggan. Gaano ka man katapat o kasipag ngayong maglingkod, walang kasiguruhang bukas o makalawa, hindi ka mahuhulog sa paglilingkod at pananampalataya. Ngunit hindi ito ang sinasabi sa 1 Juan 5:13. Maaari mong matiyak na ikaw ay may buhay na walang hanggan kung nanampalataya ka kay Jesus.
Ang buhay na walang hanggan ay ipinangako sa mga nanampalataya, hindi sa mga nakatiis hanggan sa huli.
Oo mabuting bagay ang makatiis hanggang sa huli. Ngunit hindi upang magkaroon ng buhay na walang hanggan kundi upang magtamo ng gantimpala, mga rewards. Gaya ni Pablo sa 2 Tim 4:
8 Buhat ngayon ay natataan sa akin ang putong na katuwiran, na ibibigay sa akin ng Panginoon na tapat na hukom sa araw na yaon; at hindi lamang sa akin, kundi sa lahat din naman ng mga naghahangad sa kaniyang pagpapakita.
Nasisiguro ni Pablo na mayroon siyang putong, ang putong ng katuwiran. Ito ay koronang ibinigay sa mga nakatapos ng kanilang karera at nakibaka ng mabuting pakikibaka hanggang sa katapusan. Kung tumalikod si Pablo, taglay niya ang imputed righteousness of Christ pero mawawala ang crown of righteousness na ito.
May karagdagang rewards sa lahat ng mananampalatayang nakatiis hanggang sa katapusan.
Saan ba nakuha ng mga relihiyonista ang ideyang kailangan ang pagtitiis hanggang sa katapusan upang magkaroon ng buhay na walang hanggan? Galing ito sa maling pagkaunawa ng Mateo 24:13. Ang buong Mateo 24 hanggang 25 ay tinatawag na Olivet Discourse. Ito ay binigay upang sagutin ang tanong ng mga alagad:
3 At samantalang siya'y nakaupo sa bundok ng mga Olivo, ay nagsilapit sa kaniya ng bukod ang mga alagad, na nagsisipagsabi, Sabihin mo sa amin, kailan mangyayari ang mga bagay na ito? at ano ang magiging tanda ng iyong pagparito, at ng katapusan ng sanglibutan?
Hindi ito ibinigay upang ituro kung sino ang aakyat sa Langit.
Gaya ng sinabi ni Jesus, dahil sa tinakwil ng Israel ang Persona ni Cristo, ang kaharian ay binawi sa mga Judio ng unang siglo upang ialok sa mga Judiong daraan sa Tribulation. Ang henerasyong daraan sa Tribulation at makakita ng tanda ng panahong ito ang buhay na papasok sa kaharian.
Daraan sila ng pag-uusig sa kamay ng Anticristo. Pero ang makatiis hanggang sa katapusan ng Tribulation ay maliligats mula sa kamay ng Anticristo.
Ito rin ang tinuturo ng Pahayag:
Pahayag 14:11 At ang usok ng hirap nila ay napaiilanglang magpakailan kailan man; at sila'y walang kapahingahan araw at gabi, silang mga nagsisisamba sa hayop at sa kaniyang larawan, at sinomang tumatanggap ng tanda ng kaniyang pangalan.12 Narito ang pagtitiyaga ng mga banal, ng mga nagsisitupad ng mga utos ng Dios, at ng pananampalataya kay Jesus.13 At narinig ko ang isang tinig na mula sa langit na nagsasabi, Isulat mo, Mapapalad ang mga patay na nangamamatay sa Panginoon mula ngayon: oo, sinasabi ng Espiritu, upang sila'y mangagpahinga sa kanilang mga gawa; sapagka't ang kanilang mga gawa ay sumusunod sa kanila.
Ang pagtitiis hanggang sa katapusan sa Mateo 24 ay isang eschatological event. Mangyayari ito sa hinaharap. Hindi ito naglalarawan ng kundisyon upang magkaroon ng buhay na walang hanggan, maligtas mula sa impiyerno at pumasok sa Langit. Hindi ito kundisyon sa espirituwal na kaligtasan ngayon.
Kung nauunawaan lang ito ng mga tao, maiiwasan ang maling soteriolohiya. Hindi matatali ang tao sa performance theology. Mas maa-appreciate niya ang biyaya ng Diyos.
Manampalataya ka kay Cristo at ikaw ay maliligtas. Faith ang nag-iisang kundisyon upang magkaroon ng buhay na walang hanggan.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)
Comments
Post a Comment