Kailangan ko bang maging loyal sa isang lider upang makarating sa Langit?
Ang tanging Tao na tamang layon ng pananampalataya upang makarating sa Langit ay si Cristo. Anyone else is sheer idolatry.
And let's clarify, kung ang pinag-uusapan ay pagkakaroon ng buhay na walang hanggan at pagpasok sa Langit, ang kundisyon ay hindi loyalty (gaano man ito ka-desirable) but faith in Christ. Faith in Christ is the sole condition for eternal life. Loyalty is a condition for a God-glorifying discipleship.
Ang tanging kundisyon upang magkaroon ng buhay na walang hanggan ay pananampalataya kay Cristo, Juan 3:16-18, 36; 5:24; 6:47; 11:25-27; Gawa 16:31; Ef 2:8-9. Loyalty to Christ is important in discipleship, and sana lahat ay mayroon nito, but is not required in eternal life. May mga taong nanampalataya na hindi nag-develop ng loyalty. Ask Lot.
And for either eternal life and spiritual life, loyalty to a religious leader is not required. Our loyalty should be in Christ, and our loyalty to a minister begins and ends with his own loyalty to Christ. If the leader is no longer loyal to Christ, it is time to ditch him.
Ngunit maraming relihiyon ang nagtuturong required ang loyalty sa isang tao upang makarating sa Langit. Hindi nila direktang sasabihin ito pero kung hindi ka maniniwala sa kanilang lider na umanoy propeta sa mga huling araw, o selyo ng mga propeta, o sugo sa mga huling araw o ang lalaking nagdadala ng karunungan, o ang propetang sinugo sa mga banal, at kung anu-ano pang self-imposed description (hindi na naghintay na buhatin ng iba ang kaniyang bangko), hindi ka makararating sa Langit. Dahil tanging impormasyong dala ng kanilang lider, at loyalty sa lider na ito, ang magdadala sa tao sa Langit. Dahil pinili ng Diyos na magligtas sa pamamagitan ng mga lider na ito. Dahil sila lang sa mga tao ang binigyan ng rebelasyong ito. Sounds like a cult? It does because it is.
Tinatawanan natin ang mga ganitong relihiyon ngunit ang sentimyento ay dinadala natin sa ating mga simbahan. Kaya hindi natin magawang makinig sa sinuman maliban sa isang partikular na indibidwal (at pinili niyang kahalili). Kaya hindi natin magawang pumalag kahit mali na ang tinuturo at inaasal. Kaya kahit ano pang mangyari, kay Brother so and so pa rin kami.
Ito ay nakalulungkot.
Ito ay cult of personality.
Ito ay low-key idolatry.
Hindi required ang loyalty sa religious leader upang magkaroon ng buhay na walang hanggan. Tanging pananampalataya lamang kay Cristo lamang. Hindi required ang loyalty sa isang religious leader na hindi sumusunod sa yapak ni Cristo upang lumago sa spiritual life. Susunod lang tayo sa lider kung siya ay sumusunod sa aral at halimbawa ni Cristo.
Be discerning.
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, alas 8:30-10:30 am. Sa Amoguis, 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)
Comments
Post a Comment