Kailangan ko bang kamuhian ang aking pamilya upang magkaroon ng buhay na walang hanggan?

 


Kailangan ko bang kamuhian ang aking pamilya upang maligtas? 

May mga relihiyong nagtuturo nito kaya iniiwan nila ang kanilang pamilya, umakyat sa bundok, upang mahanap ang inaasam na kaligtasan. 

May ilang tinuturo ang Lukas 14:26 bilang patunay na ikaw ay nangangailangang isuko ang mga relasyon sa laman upang magkaroon ng relasyon sa Diyos. 

Tama ba ito?

Short answer: mali. 

Una sa lahat, ang turo ay sinabi sa mga taong nanampalataya na sa Kaniya. Tinuturo Niya sa kanila kung paano maging alagad, kung paano lumakad sa liwanag ng kanilang pinaniniwalaan. Hindi ito ibinigay sa mga hindi pa nanampalataya. Hindi ito ibinigay upang turuan ang mga hindi mananampalataya kung paano magkaroon ng buhay na walang hanggan. 

Ikalawa, ang punto rito ay priority. For sure, tinuturo ng Biblia ang pagmamahal sa pamilya. Ang sinasabi lang dito ay ang pagmamahal natin sa Diyos ay dapat priority kaysa pagmamahal natin sa pamilya, to the point na nagmumukha na itong pagkamuhi by comparison. 

Nakarinig ka na ba ng asawang babaeng inaakusahan ang asawang lalaki na namumuhi siya sa pamilya dahil ayaw nitong iwan ang pagpapastor kahit hindi ito nakabubuhay ng pamilya? Iyan ang isyu rito. Kahit na may trabaho o promosyong magbibigay ng mas malaking kita, iyong tinanggihan dahil mas priority sa iyo ang gawain ng Panginoon. 

Sasabihin ng mga hindi nakakaunawa, namumuhi ka sa iyong pamilya.

Baka papiliin ka pa. 

Ang mga mag-iwan sa kanilang pamilya alang-alang kay Cristo ay tatanggap nang higit pa sa kaharian. Actually kahit sa buhay na ito pero may kasamang pag-uusig. 

Hindi requirement ang pagkamuhi sa pamilya upang maligtas. Hindi mo kailangang iwan ang iyong pamilya upang umakyat sa kung saang bundok upang maligtas. 

May kilala akong ginawa iyan nang makapasok sa isang kultong umano'y base sa Hebreo Name. 

Ang nag-iisa kundisyon upang magkaroon ng buhay na walang hanggan ay pananampalataya kay Cristo, Juan 3:16-18,36; 5:24; 6:47; 11:25-27; Gawa 16:31. Ang nanampalataya kay Cristo ay may buhay na walang hanggan, iwan niya man (sa pagkamuhi, anumang kahulugan ang ibigay mo rito) o hindi. Ang mananampalatayang nagbibigay ng priority sa gawain ng Diyos ay gagantimpalaan; pero kung ang isyu ay kaligtasan, hindi ito required. 

Bilang mga alagad, ang pagmamahal natin sa Diyos ay dapat humigit sa priority kaysa pagmamahal natin sa pamilya. Hindi dapat makahadlang ang pamilya sa paglilingkod sa Diyos. Dapat nating isama ang pamilya palapit sa Diyos. 

Manatiling nakapokus sa biyaya. 

(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, alas 8:30-10:30 am. Sa Amoguis, 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.


Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)





Comments

Popular posts from this blog

Mahirap mamangka sa dalawang ilog

Ang Sikreto ng Aming 17 Taong Pagsasama

Mga Halimbawa sa Cristianong Pamumuhay