Kailangan ba ang sinless perfection para magkaroon ng buhay na walang hanggan?
Una sa lahat good luck in advance kung inaakala mong maaari mong abutin ang sinless perfection sa buhay na ito. Ikalawa, condolences, dahil kung iniisip mong ito ang paraan upang magkaroon ng buhay na walang hanggan, you will never have it.
Ang nag-iisang kundisyon upang magkaroon ng buhay na walang hanggan ay ang pananampalataya kay Cristo, Juan 3:16-18,36: 5:24; 6:47; Gawa 16:31. Ang nag-iisang kundisyon upang magkaroon ng buhay na walang hanggan ay ang pananampalataya kay Cristo, hindi ang sinless perfection. In the first place, deluded ang taong nag-aakalang maaabot niya ang sinless perfection sa kaniyang buhay. Ikalawa, deceived siya kung iniisip niyang ito ang kailangan upang magkaroon ng buhay na walang hanggan.
May mga banggit sa Biblia na nagsasabing ang mga Cristiano ay perfected forever gaya ng Hebreo 10:14 pero hindi sinless perfection ang issue dito. Ang issue ay ang nanampalataya kay Cristo ay ligtas kailan pa man kaya hindi niya kailangan ang Kautusan upang kumpletuhin ang kaligtasan. Hindi niya kailangang mag-offer nang paulit-ulit dahil minsang na-offer si Cristo, hindi na mauulit at ang nanampalataya ay mayroong complete benefits mula rito.
Sa Mat 5:48, ang mga mananampalataya kay Cristo ay sinabihang magpakasakdal kung paanong ang Diyos ay sakdal. Muli hindi ito sinless perfection kundi kasangkapan sa kabutihan. Ang Diyos ay mabuti sa Gentil at Judio, mananampalataya o hindi; ganun din ang Cristiano, siya dapat ay maging kumpleto, maturo, sangkap, sakdal sa kabutihan.
Kung sinless perfection ang requirement upang maligtas, walang taong maliligtas. Kahit ang mga mananampalataya ay nagkakasala, 1 Juan 1:7-2:2. Kaya nga mayroon tayong 1 Juan 1:9 upang maging sabong panlinis ng ating mga kasalanan matapos maligtas.
Kung manampalataya ka kay Cristo ngayon may kasiguruhan ka ng buhay na walang hanggan. Hindi mo kailangang pukpukin ang iyong sarili sa pagnanais na maging perpekto.
Maraming tao ang biktima ng sakit ng perfectionism. Ng performance mentality. Imagine kung ito ay iimport mo sa spiritual life. Siyento por siyentong ikaw ay madi-discouraged.
Ngunit ang mananampalataya kay Cristo ay malaya sa sakit na ito. Alam niyang hindi siya kailan man magiging perpekto sa buhay na ito, alam niyang hindi niya maaabot ang pamantayan ng Diyos kaya sumampalataya siya sa Cristong perpekto.
Ang sumampalataya ay may buhay na walang hanggan, perpekto ka man o hindi, feeling perpekto ka man o hindi. Huwag nating ilayo tayo ng delusyon ng ating perpeksiyon mula kay Cristo. Mananampalataya ka na ngayon, Gawa 16:30-31.
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, alas 8:30-10:30 am. Sa Amoguis, 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)
Comments
Post a Comment