It's all in the head
Napakaraming problema ang ating hinaharap sa buhay. Huwag na nating komplikaduhin sa pagdaragdag ng problema sa isipan.
Maraming mga problema na nasa ating isipan lamang at walang basis sa realidad ang unnecessarily na ating dinadala.
Why? Overthinking.
Nakakita lang tayo ng nagtatawanan at nagkukwentuhan, iisipin mong ikaw na ang pinag-uusapan at pinagtatawanan. Naka-overdrive na ang iyong isipan kung bakit at bakit ikaw.
Hindi ka lang nabati. Overdrive na ang isipan. Bakit hindi ka pinansin? May nagawa ka bang mali? Anong ginawa mo para tratuhin kang ganito?
Hindi ka lang naimbitahan sa isang ganap. Marahil dahil wala ka naman talagang kinalaman doon at na-misunderstood mo na iniitsa-pwera ka. After all kung hindi ka guro, bakit ka isasama? Dahil dito napapaisip ka kung bakit hindi ka na belong.
Kung minsan may nakikita tayong pangyayari na nagdadala ng takot. Sa halip na isuko ang takot na ito sa Panginoon, nauuna ka nang nag-i-imagine ng mga katakutan na kung minsan ay hindi naman nangyayari sa tunay na buhay.
Minsan iniisip nating deficient tayo sa isang bagay. Maaaring totoo o hindi. Pero malibang mag-try ka, you will never know. Dahil dito nato-torture ka sa pag-iisip ng mga perceived weaknesses and deficiencies sa halip na idebelop ang mga ito.
Kung minsan may nakagawa sa atin ng masama at hindi natin maalis ito sa isipan. Dahil dito inuulit-ulit mo sa isipan ang perceived hurt at habang yung nakaalitan mo ay chill-chill lang, ikaw ay nagugulo ang isipan. Siya ay may peace of mind, ikaw ay wala.
Hindi ko mini-minimize ang mga problemang hinaharap ng isang tao, pero ang totoo, may mga bagay na nasa ulo lang natin. Gumagawa tayo ng multo na ating kinatatakutan.
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, alas 8:30-10:30 am. Sa Amoguis, 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)
Comments
Post a Comment