Isip Bata

 


Efeso 4:14 Upang tayo'y huwag nang maging mga bata pa, na napapahapay dito't doon at dinadala sa magkabikabila ng lahat na hangin ng aral, sa pamamagitan ng mga daya ng mga tao, sa katusuhan, ayon sa mga lalang ng kamalian...

1 Corinto 13:11 Nang ako'y bata pa, ay nagsasalita akong gaya ng bata, nagdaramdam akong gaya ng bata, nagiisip akong gaya ng bata: ngayong maganap ang aking pagkatao, ay iniwan ko na ang mga bagay ng pagkabata.

Hebreo 5:13 Sapagka't bawa't tumatanggap ng gatas ay walang karanasan sa salita ng katuwiran; sapagka't siya'y isang sanggol.


Mahilig ako sa mga cute at malilinis na bata. Ang sarap at bango nilang kargahin at lamutakin. Hindi nakakasawang isayaw at buhatin sila. 

Pero imagine-in mo if thirty years later ang batang iyong kinakarga ay nag-be-baby talk pa rin. Hindi naglalakad. Hindi makatayo mag-isa. At huwag namang mangyari, hindi marunong magkontrol ng pag-ihi at pagdumi. 

Maintindihan mo siguro kung siya ay may karamdaman o may sakit. Ngunit maiinis ka kung siya ay normal ngunit ayaw niya lang lumaki. Marahil masasampal mo ang batang ito. 

Ang nakalulungkot, maraming Cristiano ang retarded in their growth. They refused to grow. Sa halip na mag-aral ng Salita ng Diyos, nakatuon sila sa maraming bagay. Nakatuon sa personality ng teacher. Nakatuon sa maraming distractions ng buhay na ito. 

Mayroon namang nag-aaral nga ngunit hindi naman pinagninilayan ang kaniyang pinag-aralan kaya hindi niya mapakinabangan ang Salita ng Diyos. Pagkapasok sa kaliwang tainga, labas sa kanan. Hindi binigyan ng pagkakataon ang binhi ng Salita na mag-ugat sa puso at mamunga.

Ang resulta? Mga matagalan nang Cristiano ngunit walang espirituwal na buhay. Hindi alam kung paano harapin ang mga hamon ng buhay na gamit ang resources ng Diyos. Hindi alam kung paano mamuhay sa paraang nakaluluwalhati sa Diyos at nakakabigay-pakinabang sa kapatiran. 

Ang resulta? Mga Cristianong nasa edad na upang magturo sa iba ngunit kailangang turuan ng basiko ng pananampalataya. Mga Cristianong ayaw gamitin ang kanilang kaloob sa ikatitibay ng simbahan. 

Ang resulta? Mga Cristianong madaling matisod sa kahit pinakasimpleng bahay. Vocal sa paghayag ng pag-ibig sa Diyos at kapatiran ngunit nauunang matisod sa isang bagay na mapag-uusapan lang sa likod ng bahay. 

Tingnan ninyo ang mga bata. Madali silang magalit at mainis sa kahit anong dahilan. Hindi mo lang mapansin, galit na. Malimutan mo lang kausapin, galit na. Makalimutan mo lang i-propritize, galit na. Ilang Cristianong matagal nang ligtas ang ganito? 

Tingnan ninyo ang mga bata. Nagta-tantrums. Sa halip na daanin sa maayos na usapan ang mga bagay, nagtatago, naglalayas, tumatakas sa problema. Wala silang kakayahang maupo at pag-usapan ang mga bagay na gaya ng adults. Ilang Cristianong magaling lang magpayo sa iba pero kapag sarili na ang involved, refused to talk. Ito ay katumbas ng pagsasabing, "I am above you all. Kapag kayo ang may isyu, mag-usap tayo. Pero kapag ako, walang pag-uusapan. Tama ako lagi and if you don't kowtow, we'll separate ways. I'll get my way no matter what."

Tingnan ninyo ang mga bata. They live by their emotions. Kapag galit, nagwawala; kapag masaya, nagbubunyi. Wala silang konsepto ng self-control. Wala silang konsepto ng pagsakripisyo ng sariling nararamdaman upang ang iba ay makinabang. Ilang Cristianong namumuhay sa kanilang nararamdaman? Ilan ang na-hurt and refuse to forgive and forget but nagta-tantrums na tila bata? Walang emotional stability. 

Tingnan ninyo ang mga bata. They live in the moment. Wala silang konsepto ng bukas. Ang gusto niya ay dapat ibigay ngayon dahil kung hindi magtatampo. Lahat minamadali at kapag hindi nakuha, hahablutin. Ilang Cristiano ang kilala ninyong walang konsepto ng bukas- na nalilimutang humanity is a complex being at hindi namamadali ang growth? Kaya kapag hindi nakita ang expected growth, tampo. 

Tingnan ninyo ang mga bata. They do not know how to communicate. They cry and shout and throw things. At dahil hindi siya maintindihan lalo siyang magagalit. Failure of communication fueled a repetitive cycle. Nakakapagod intindihin pero kailangan dahil kung hindi, you'll go nowhere. The only problem is if they sulk. They won't talk. Ilang Cristiano ang ganito? They sulk and punish everyone around him. Nasisiyahan siyang malaman na everyone is suffering because he won't talk. 

Tingnan ninyo ang mga bata. Sa kanilang paningin, they are the center of their universe. Sila laging tama. Sila ang bida. And if things don't go their way, sila ang victim. Bida and pa-victim mentality all rolled into one. Siya dapat ang heroes. Walang konsepto ng sharing of glory. There is just him. Ilang Cristianong ganito mag-isip? Nakakpanghina ng loob. 

Tingnan ninyo ang mga bata. Untrained, they are ungrateful. Anumang gawin mong kabutihan, may magawa ka lang mali sa kaniyang paningin (whether real or perceived), masama ka na. They will look for their new friend. Good bye ka na. Ilang Cristiano ang magbubura sa iyo sa kanilang buhay just because they didn't get their way? Nakakaiyak di ba?

Tingnan ninyo ang mga bata. They don't think things through. Kung ano na ang pumasok sa isipan, iyon na yun- consequences be damned. Wala siyang pakialam sa kung ano ang sasabihin ng iba, ang mahalaga ay masunod siya. Ilang Cristianong walang pakialam sa testimony sa mga unbelievers, walang pakialam sa consequences sa mga kapwa believers at walang pakialam kung may nasasaktan o wala? As long as they feed on their anger, they're blind. 

Tingnan ninyo ang mga bata. Puno sila ng insecurities. Sabihan mong pangit, iiyak. Sabihan mong payatot, iiyak. They don't stop ang consider that physical appearances do not define a person. Ilang Cristianong puno ng insecurities at hinahayaan nila ang mga insecurities na iyon ang mag-define sa kanila? And because they don't reconcile with those insecurities, galit sila object ng kanilang insecurities. 

Tingnan ninyo ang mga bata. They may look cute on the outside. But they can be monsters inside. A Christian might look holy on the outside. Talks right. Dressed right. Looks right. But he can be a child who refused to grow inside. And that is frustrating. 


(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, alas 8:30-10:30 am. Sa Amoguis, 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.


Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)






Comments

Popular posts from this blog

Mahirap mamangka sa dalawang ilog

Ang Sikreto ng Aming 17 Taong Pagsasama

Mga Halimbawa sa Cristianong Pamumuhay