Hubarin mo na- hinubad ko na noon pa
Strictly speaking sa Ephesians 4:22-24, hindi inutos ni Pablo na hubarin ng mga taga-Efeso ang kanilang lumang pagkatao at isuot ang kanilang bagong pagkatao. Instead sinabi niyang hinubad na nila ang lumang pagkatao at naisuot na ang bagong pagkatao noon pa- nang sila ay manampalataya kay Cristo.
Ang Efeso ay roughly mahahati sa dalawang bahagi- doctrinal portions sa Efeso 1-3 at practical portions sa Efeso 4-6. Sa liwanag ng ating posisyun kay Cristo (Efeso 1-3), nanawagan si Pablo na lumakad sa liwanag nito.
Sa kabanata 4, nanawagan siyang panatilihin nila ang pagkakaisa ng Espiritu at magagawa ito sa tulong ng paglagong s-in-upply ng mga pastor-guro.
Sa v17-19, nagbigay siya ng negatibong halimbawa ng pamumuhay. Una kong napag-aralan ang mga verses na ito sa paksang reversionism.
Sa v20 sinabi na hindi nila natutunan si Cristo sa ganitong paraan- kadiliman. Sa v21-24 sinabi niya kung paano nila natutunan si Cristo.
Sa v22, tinuruan sila na nang manampalataya sila kay Cristo, hinubad nila ang lumang pagkatao. Sa metapora ng Roma 6, sila ay namatay kasama ni Cristo sa kasalanan. Samakatuwid nang manampalataya tayo kay Cristo, napalaya tayo sa lumang pagkatao, sa kung sino tayo bago kay Cristo. Ito ay statement of facts,.not an imperative. Hindi sila inuutusang hubarin ang lumang pagkatao kundi hinayag ang katotohanang ang lumang pagkatao ay hinubad na.
Sa v24, tinuruan sila na nang sila ay manampalataya kay Cristo, kanilang sinuot ang bagong pagkatao. Sabi nga ng 2 Cor 5:17, lahat ay bagong nilalang. Ang nanampalataya ay bahagi ng bagong nilalang. Hindi sila inutusang suutin ang lumang pagkatao, suot na nila ito nang sila ay manampalataya kay Cristo.
Ang v22-24 ay larawan ng positional truth.
At ang position na ito ang basehan ng practical admonitions sa v25 hanggang sa katapusan ng Efeso 6.
Ang v22-24 ay hindi mga imperatives. Hindi sila utos. Sila ay grounds sa mga utos na darating. Kung totoong natutunan natin si Cristo, na natutunan nating kay Cristo tayo ay hiwalay sa lumang pagkatao at nasusuot ng bagong pagkatao, lalakad tayo sa liwanag nito. Sa termino ng Roma 6-8, ibibilang nating patay tayo sa kasalanan, ipresenta natin ang sangkap ng ating katawan sa katuwiran at isuko ang sarili sa Espiritu.
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, alas 8:30-10:30 am. Sa Amoguis, 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)
Comments
Post a Comment