Do I need to surrender all para magkaroon ng buhay na walang hanggan?

 


What do you mean by surrender? The Bible never used the word surrender to refer to eternal life. In fact, ang word na surrender ay once lang ginamit sa NT sa NASB (I did not check in other translations) and it is not a flattering one, 1 Cor 13:3. 

Usually ang nagsasabi nito ay mga taong in one way or another ay nagtuturo ng works salvation. By this they mean na kailangan mong isuko ang iyong mga kasalanan at ibigay ang iyong sarili sa Diyos. This is commendable kung ang pinag-uusapan ay spiritual life. Pero kung ang free grace salvation, it nullifies grace, Gal 2:21; Rom 11:6. 

Ang nag-iisang kundisyon upang magkaroon ng buhay na walang hanggan ay ang manampalataya kay Cristo, Juan 3:16-18,36; 5:24: 6:47; 11:25-27; Gawa 16:31. Sa krus ng Kalbaryo sinurender ni Cristo ang Kaniyang sarili ("not My will but Thine") sa kalooban ng Diyos hanggang sa kamatayan. Sa krus binayaran Niya ang ating mga kasalanan upang ang mga ito ay hindi makahadlang sa taong nagnanais na lumapit sa Diyos. Sa krus, ni-reject ng Diyos ang human good at ang tanging good na tinanggap ay ang gawa ni Cristo sa krus. Sa halip na umasa tayo sa ating sariling kabutihan sa pagsuko ng ating mga kasalanan at pagbigay ng sarili sa Diyos, umasa tayo sa Kaniyang kabutihan sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo. Ang sinumang sumampalataya ay may buhay na walang hanggan at hindi mapapahamak. Pangako iyan ni Cristo, isurender mo man o hindi ang iyong sarili sa Diyos. 

Si Lot ay halimbawa ng taong hindi sinurender ang kaniyang buhay sa Diyos ngunit ayon kay Pedro siya ay matuwid. Walang mambabasa ng Genesis ang magsasabing matuwid si Lot. Thankfully ang basehan ng Diyos sa katuwiran ay hindi ang katuwirang gawa ng tao kundi ang katuwirang binilang sa mga nanampalataya kay Cristo. 

Kung ang ating kaligtasan ay nakadepende sa pagsurender ng ating sarili, walang maliligtas. Aminin man natin o hindi may bahagi sa ating buhay na hindi natin maisuko sa Diyos. Maaaring lifestyle, kasalanan o an area of self-righteousness. Most of us ay hindi nga alam kung sino at ano tayo, kung ano ang ating gustong gawin sa buhay, much less na isuko ang mga ito sa Diyos. Paano mo isusuko ang isang bagay na hindi ka aware? 

Marahil umaasa ka na lang na what matters is the intent. But this is a justification to bolster an unbiblical works based salvation. If surrender is the requirement for salvation, surrender all. Hindi natin ito kayang gawin ang thankfully, it is not required for eternal life. The only requirement is to believe in Christ and everyone and anyone CAN believe. 

Do you believe in Christ? Or do you hold to your own righteousness? Please if you want to surrender anything surrender the notion that you need to surrender anything to have eternal life. Just believe. In Christ. John 3:16. 

(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, alas 8:30-10:30 am. Sa Amoguis, 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.


Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)




Comments

Popular posts from this blog

Mahirap mamangka sa dalawang ilog

Ang Sikreto ng Aming 17 Taong Pagsasama

Mga Halimbawa sa Cristianong Pamumuhay