Divine Algebra

2 Pedro 1:5 Oo, at dahil din dito, sa pagkaragdag sa ganang inyo ng buong sikap, ay ipamahagi ninyo sa inyong pananampalataya ang kagalingan; at sa kagalingan ay ang kaalama... 11 Sapagka't sa gayon ay ipinamamahaging sagana sa inyo ang pagpasok sa kahariang walang hanggan ng Panginoon natin at Tagapagligtas na si Jesucristo.

Isa sa pinakamagandang blog na nabasa ko ay sinulat ni Kenneth Yates. Tungkol ito sa gantimpalang matatamo ng mananampalatayang hinayaang lumago ang kaniyang pananampalataya. Sa halip na maging kagaya ng ilan na balewala lang ang pananampalataya, dito ang mananampalataya ay sinabihan ni Pedro na magdagdag ng kagalingan, kaalaman, atbp. Sa parte ng Diyos, Siya ay magdaragdag ng masaganang pagpasok sa kaharian, samakatuwid hindi lamang papasok ang mananampalataya sa kaharian kundi siya ay magtatamo ng gantimpala, kasama na ang paghahari dito. Matatagpuan ang blog dito:

https://faithalone.org/blog/a-mathematical-equation/

Nagpaalala sa akin ito ng Mateo 19. Marahil ito ang nasa isip ni Pedro nang isulat niya ang 2 Ped 1:11. Nagtanong si Pedro, "Iniwan namin ang lahat, ano ang aming matatamo?" Ang sagot ni Jesus ay:

Mateo 18:28 At sinabi ni Jesus sa kanila, Katotohanang sinasabi ko sa inyo, na kayong nagsisunod sa akin, sa pagbabagong lahi pagka uupo na ang Anak ng tao sa luklukan ng kaniyang kaluwalhatian, kayo nama'y magsisiupo sa labingdalawang luklukan, upang magsihukom sa labingdalawang angkan ng Israel.29 At ang bawa't magiwan ng mga bahay, o mga kapatid na lalake, o mga kapatid na babae, o ama, o ina, o mga anak, o mga lupa, dahil sa aking pangalan, ay tatanggap ng tigisang daan, at magsisipagmana ng walang hanggang buhay.

Marahil may nag-iisip: malaking kasayangan ng oras ang sumunod kay Jesus. Naggugugol ka ng masyadong maraming oras sa "relihiyon;" masyado mong sineseryoso ang Jesus na iyan. Wala ka bang mas maiging paggagamitan ng oras?

Ayon kay Jesus, ito ang pinakamainam ng gamit ng oras. Ang laki ng return on investment. Anumang iyong iniwan ay papalitan ng 100% ROI. Plus pangako ng paghahari. Saan ka pa? Walang investment sa buhay na ito ang magbibigay ng ganiyang kalaking balik kung matitiyagaan mo. 

Si Pablo ay may kaparehong kaisipan. Sabi niya:

2 Corinto 4:16 Kaya nga hindi kami nanghihimagod; bagama't ang aming pagkataong labas ay pahina, nguni't ang aming pagkataong loob ay nababago sa araw-araw.17 Sapagka't ang aming magaang kapighatian, na sa isang sangdali lamang, ay siyang gumagawa sa amin ng lalo't lalong bigat ng kaluwalhatiang walang hanggan.

Matapos ilarawan ni Pablo ang lahat ng kaniyang pinagdaanan, tinuring niya itong "magaan" at "sandali lamang." Lahat ng sakripisyo ay tinitingnan ni Pablo sa liwanag ng eternidad. Ang kapalit ay kaluwalhatiang "lalo't lalong bigat" at "walang hanggan." Lahat ng sakripisyo sa buhay na ito ay hindi maikukumpara sa kaluwalhatiang pinangako sa mananampalatayang handang magbayad ng halaga ng pagiging alagad. 

Oo maraming sakripisyo, pero ang pangmatagalan (actually eternal) benepisyo ay higit na mas marami at malaki. Sa Divine Algebra, hindi ka lugi.


(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, alas 8:30-10:30 am. Sa Amoguis, 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.


Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)





Comments

Popular posts from this blog

Mahirap mamangka sa dalawang ilog

Ang Sikreto ng Aming 17 Taong Pagsasama

Mga Halimbawa sa Cristianong Pamumuhay